
Sa araw-araw, lahat tayo ay may kanya-kanyang activies. Mahalagang malaman ang bawat detalye ng iyong pang araw-araw na gawain dahil ito ang bumubuo nang ating buhay sa buong araw.
Minsan, mayroon tayong mga bagay na nagagawa na maaaring magdulot ng imbalance o di kaya ay nakakasama na sa ating kalusugan ng hindi natin namamalayan. Narito ang mga karaniwang unhealthy habits na ginagawa ng mga tao sa kanilang daily lifestyle.
1. Hindi pag-inom ng sapat na tubig
Kung sa unang araw pa lang ng linggo ay hindi ka na uminom ng sapat na tubig, ang iyong katawan ay nagkukulangan na ng tubig at ito ay maaaring magdulot ng dehydration. Kapag ang katawan ay kulang sa tubig, mahihirapan itong gumana ng maayos. Maaaring makaranas ng pagsakit ng ulo, hirap sa pag-ihi, panunuyo ng balat, etc.
2. Pag-upo ng matagal
Kung sa iyong trabaho ay nakaupo ka buong araw, maglaan ng maiksing oras parang magbreak. Dahil ang matagal na pag-upo ay maaaring magdulot ng unhealthy lifestyle at makaapekto sa supply ng dugo sa buong katawan.
3. Pagsesepilyo ng madiin
Minsan akala ng iba na kapag diniinan mo ang pagsesepilyo ay mas malilinis mo ng maigi ang iyong mga ngipin. Ito ay isang malaking pagkakamali! Dahil kapag ginagawa mo ito, maaaring masira ang enamel o ang proteksyon ng iyong ngipin at pwedeng magresulta sa tooth erosion o madaling pagkasira. Dapat ay hindi rin hihigit sa 3 beses ka magsesepilyo bawat araw.
4. Pagkain ng snacks na matamis o maalat
Ang mga pagkain na maalat o matamis ay maaaring magdulot ng pagdagdag ng iyong timbang. At dahil ang mga pagkain ito ay mababa ang nutritional benefits kaya nakakasama lang sa iyong kalusugan.
5. Hindi pagkain ng almusal
Ang breakfast ang pinakaimportanteng meal of the day. Sa mga taong hindi kumakain ng almusal, mas mataas ang tiyansa nilang magdagdagan ng timbang dahil mas napapakain sila ng mga unhealthy foods sa buong araw.
6. Paginom ng kape na wala pang laman ang tiyan
May mga taong mahilig uminom lang ng kape sa umaga kahit wala pang nakakain. Ito ay nakakasama sa iyong stomach linings dahil maaaring magproduce ang iyong tiyan ng sobrang stomach acid at maaaring magdulot ng injury sa loob ng iyong tiyan sa katagalan.
7. Hindi pagkakaroon ng sapat na tulog
May ibang tao na nagpupuyat sa gabi upang matapos lang ang kanilang trabaho. Ngunit ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay pwedeng makapagdulot ng imbalance sa katawan at kadalasan ay sakit ng ulo kinabukasan.
8. Labis na paggamit ng cellphones
Ang sobrang paggamit ng mga cellphones o tablets ay mapanganib sa kalusgan dahil ito ay nag-eemit ng radiation na hindi natin namamalayan. Sa mga mahilig gumamit ng kanilang cellphone sa gabi bago matulog, maaari nitong pataasin ang brain activity kaya naman mas mahihirapan kang makatulog.
9. Pagtulog ng nakadapa
Ang pagtulog ng nakadapa ang pinaka delikadong paraan ng pagtulog dahil nagkakaroon pressure sa iyong mga organs, na sa katagalan ay maaaring magresulta sa nerve damage at heart issues. Ang pinaka-safe na paraan ng pagtulog ay patagilid sa iyong kaliwang bahagi dahil mas napapabuti ang pag-circulate ng dugo.
10. Pag-inom ng sobrang vitamins
Ang vitamins o supplements ay kailangan ng ating katawan para sa dagdag na proteksyon. Ngunit huwag basta basta iinom ng kahit anong supplement na hindi ikinunsulta sa doktor. Dahil pwede kang ma-overdose sa vitamin levels na mas mapanganib sa iyong atay at sa kalusugan.
Comments
Post a Comment