Skip to main content

10 Senyales Na Ipinapakita Ng Mga Lalaki Kapag In-love Na Siya Sayo At Mahal Ka Na Ng Tunay!


Mayroong klase ng lalaki na ang pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang kasintahan ay sa paraan ng pagsabi ng mga matatamis na salita, samantalang mayroon din mas nangingibabaw ang aksyon o effort. 

Alin man sa mga ito ay malalaman mo na inlove na siya sayo at tunay na ang pagmamahal ng lalaki sa iyo kapag pinapakita niya ang mga malinaw na senyales na ito!

1. Nakikita niya ang mga mabuting bagay sa iyo

Ito na siguro ang pinakasiguradong senyales na ang isang lalaki ay in-love na sayo. Kapag mahal ka ng isang tao, mas nangingibabaw ang nakikita niyang mabuti sayo kaysa sa mga negatibong bagay. At handa siyang tanggapin maging ano at sino ka pa. 

2.  Siya ay kikilos na isang mature na lalaki

"A man will behave like a man," ika nga. Kapag totoong mahal ka niya, gagawin niya ng lahat masuportahan at maprotektahan ka lamang.

3. Marunong siyang makinig sa iyo

Nakikinig siya at mahalaga ang opinyon mo sa kanya. Kahit na may kaunting pagkakaiba ang iyong pananaw, ay hindi niya ito ipagsasawalang bahala.

4. Handa na siyang i-share sayo ang kanyang mga sikreto

Karamihan sa mga lalaki ay hindi vocal sa kanilang mga sikreto oprivate life. Sinasabi lamang nila ito sa taong malapit sa kanilang puso at pinagkakatiwalaan. Kaya kung ang iyong nobyo ay nag-open up sa mga ganitong klaseng bagay, ay maaaring sinasabi na tunay ka na niyang mahal.

5. Sayo lang siya interesado at hindi na tumitingin sa ibang babae

Talagang tunay na ang pagmamahal ng isang lalaki kapag nasayo na ang kanyang interes at hindi na siya tumitingin o naghahanap ng iba pang babae o karelasyon. 

6. Isinasama ka na niya sa mga plano niya para sa future

Masasabi mo na totoong mahal ka na ng isang lalaki kapag isinasama ka na niya sa mga plano niya para sa future. Sinasabi nito na ikaw ang gusto niyang makasama sa hinaharap dahil talagang mahal ka niya.

7. Kasama ka sa pagbuo ng kanyang araw

Kahit kayo man ay magkalayo, kung talagang mahal ka niya, gagawa at gagawa siya ng paraan makausap o makasama ka lamang. Ang pagmamahal niya sayo ang nagsisilbing koneksyon ninyong dalawa at kasama ka sa pagbuo ng kanyang araw.

8. Interesado siyang malaman ang mga bagay kung saan ikaw ay mayroong interes

Gusto niyang makilala kang mabuti at mapalapit pa sayo kaya interesado siyang malaman ang mga bagay-bagay na kung saan ikaw ay mayroong interes. 


9. Handa siyang ipakilala at ipagmalaki ka sa kanyang mga kaibigan at pamilya

Dahil isa ka na sa mga importanteng parte ng kanyang buhay, handa na siyang ipakilala at ipagmalaki ka sa kanyang mga kaibigan at kapamilya. Gusto niya na makilala mo ang mga taong malapit sa kanya.

10. Gusto rin niyang mapalapit sa iyong mga kaibigan

Kung espesyal ka sa kanya, mag-eeffort din siya na makilala at mapalapit sa iyong mga kaibigan. Importante sa kanya na malaman ang mga taong mahalaga rin sa iyo. 








Comments

  1. Paano kung isang lalaki mi asawa na at sabihin mahal ka nya subra at handa nya iwanan asawa nya kapag nasa tamang panahon na...dapat vah xang pniwalaan?dahil ang asawa raw nya ay masama ang ugali?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-