Kadalasan ang ating mga paa ang isa sa mga parte ng ating katawan na hindi natin madalas mapansin kaya hindi nalilinisan ng mabuti. At kapag nangyari ito, maaaring kumapit ang mga bakterya na pwedeng magdulot ng iba't ibang bagay na nakakasama dito.
Mabuti na lang at may isang natural na sangkap na pwede mong gamitin upang masolusyonan ang problemang ito. Napakadali lang at napakamura. Ito ay ang apple cider vinegar foot soak. Narito at alamin ang kagandahan ng pagbabad ng iyong paa sa suka.
1. Panlaban sa foot fungus
May dalawang uri ng fungal infection: Ang athlete's foot ay nagdudulot ng pagbabalat at matinding pangangati sa mga gilid gilid ng daliri ng paa. Samantala ang nail toe fungus ay nagdudulot ng pagkapal at pagbaho ng iyong mga kuko.
Ang acetic acid ng suka ay nakakatulong puksain ang mga fungus na ito habang maaga. Kaya naman ibabad ang iyong mga paa sa isang palanggang may maligamgam na tubig at suka sa loob ng 15 minuto, 2-3 beses sa isang linggo.
2. Pantanggal ng dryness at pagbibitak-bitak
Ang acidic properties ng suka ay may nakakamanghang epekto sa dry feet at nagbibitak na talampakan. Nakakatulong ito na palambutin ang mga nanigas na balat at saka gadgarin ito gamit ang pumice stone. Pagkatapos gawin ang treatment na ito, lagyan ng moisturizer ang paa para matatili itong malambot.
3. Pantanggal sa mabahong amoy ng paa
Ang apple cider na suka ay isang epektibong pantanggal ng masangsang na amoy. Kapag binabad ang paa dito binabalanse nito ang pH level ng balat at pinupuksa ang mga bakterya na nagdudulot ng mabahong amoy.
Ang tip na ito ay nakakatulong matanggal ang mabahong amoy sa paa, ngunit kinakailangan ding isaalang-alang ang pagkakaroon ng malinis na hygiene.
4. Pantanggal ng kati
Ang pangangati sa paa ay maaaring dulot ng pH imbalance sa iyong katawan. Maaari rin dahil sa dumi, allergic reaction, fungi, at bacteria. Upang maiwasan na pangangati, ibabad ang paa sa pinaghalong tubig at suka sa loob ng 20 minuto kada araw kung kinakailangan.
Comments
Post a Comment