
Ang ating mga buto ang ang nagpoprotekta sa iba't ibang organs sa ating katawan. Ito rin ang nagpapanatili ng istraktura at suporta sa ating katawan upang tayo ay makagalaw.
Karamihan sa komposisyon ng ating buto ay calcium. At kapag ang calcium na ito ay unti-unting nawawala sa ating katawan, nagkakaroon ng bone loss na siyang dahilan ng pagiging marupok ng mga buto.
May mga bad habits tayo na nagagawa araw-araw na pwedeng makapinsala sa kalusugan ng ating mga buto nang hindi namamalayan. Narito at alamin nito!
1 . Sedentary lifestyle
Ang sedentary lifestyle ay ang paraan ng pamumuhay kung saan walang ehersisyo ang iyong katawan at walang gaanong movement araw-araw. Ang mga kabataang mahilig manuod ng tv buong araw, magdamag na nakaupo lamang at nagcocomputer ang halimbawa ng mga taong may ganitong lifestyle.
Ang hindi pageehersisyo ay maaaring magdulot ng katabaan o obesity at malaki ang impact nito sa ating mga buto. Kaya simulan na ang paglalakad, jogging, weight lifting, at iba pang sports o exercises.
2. Pag-inom ng sobrang caffeine
Ang sobrang pag-inom ng mga inuming may caffeine ay nakakapagpahina ng calcium absorption. At kung pababa na ng pababa ang calcium sa katawan, hihina ang mga buto. Napag-alaman na ang mga inuming may caffeine ay hindi lamang matatagpuan sa kape, kundi pati na rin sa mga tsaa, energy drinks at ilang tsokolate.
3. Paninig^rily0
Ang masamang bisyong ito ay wala talagang naidudulot na maganda sa ating kalusugan. Ang paninig^rily0 ay nakakapagpababa ng estrogen levels sa katawan. Ang estrogen ay isang hormone na napakaimportante dahil ito ang tumutulong sa mga buto upang i-hold ang calcium at iba pang mineral upang maging matibay ito. Kaya upang maiwasan na rin ang iba pang mga health problems ay iwasan na ang bisyong ito!
4. Paginom ng soda/ softdrinks
Ang mga inuming ito ay mataas sa sugar at nagtataglay rin ng caffeine. Napag-alaman sa mga pagsusuri, na ang madalas na pagkonsumo nito ay nagdudulot sa bone thinning. Ang mga ito ay nagtataglay ng phosphorus na kung hindi bumalanse sa iyong calcium levels ay maaaring mauwi sa bone loss.
5. Hindi pagkain ng mga calcium-rich foods
Ang source ng calcium ay matatagpuan rin sa ating mga pagkain gaya ng gatas, keso, beans, sardinas, almonds at ilang maberdeng dahon na gulay. Kaya kung ayaw mong makaranas ng osteoporosis sa iyong pagtanda ay dalasan na ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calcium.
Comments
Post a Comment