
Ang accupresure ay isang tradisyunal at alternatibong teknik na ginagamit ng mga Chinese na kagaya sa acupuncture. Ang kaibahan lang nito ay hindi ginagamitan ng karayom, sa halip pinipisil ang mga pressure points sa katawan.
Ito ay base sa konsepto ng life energy na dumadaloy sa ating mga "meridians." Nais nito na ma-clear ang mga nakabara sa ating mga meridians. Kaya naman isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin o paglagay ng pressure sa mga lugar ng nerves at sa mga importanteng ugat ng katawan.
Ang mga acupressure points ay matatagpuan sa:
- Palad
- Talampakan
- Iba pang bahagi ng katawan gaya ng braso, ulo at tenga
Narito ang mga karamdaman na maaaring gumaling sa pamamagitan ng acupressure:
1. Masak!t na ulo
Ang pagsak!t ng ulo na dulot ng tensyon at stress ay tinatawag na tension headache. Karaniwan sa mga ito ay nawawala ng kusa kapag napahinga. Ngunit ang acupressure ay makakatulong upang mapabilis ang paggaling sa kirot sa pamamagitan ng pagpisil sa laman na nasa gitna ng hinlalaking daliri at hintuturo sa kamay.
2. Hirap sa pagdumi
Ang constipation ay ang hirap sa pagdumi at ang sintomas nito ay maaaring pagsak!t ng tiyan, matigas na dumi, hirap sa pag-ire, at stomach bloating. Upang maiwasan ito, idiin ang pressure point sa ibabang parte ng iyong pusod sa loob ng 1-3 minuto. Maaari ring himasin ang tiyan pakaliwa upang malunasan ang constipation.
3. Stress at insomnia
Upang guminhawa ang pakiramdam dulot ng stress o insomnia, ang acupressure na maaring gamitin ay ang tinatawag na "Third Eye." Ito ay dahil maglalagay ka ng pressure sa pagitan ng iyong dalawang mata. Nakakatulong ito sa pagpapaginhawa na sinus pain, baradong ilong, stress, insomnia, at nakakapag-improve ng memorya.
4. Pulikat o pamamaga sa binti
Kapag nakakaranas ng pamamaga o pamumulikat ng binti, pindutin lamang ang gitnang bahagi ng talampakan pang guminhawa ang pakiramdam.
5. Sumasak!t na tuhod
Kadalasan, kapag tumatanda ay sumasak!t na ang mga joints lalo na sa tuhod. Upang guminhawa ang pakiramdam nito, mag-apply lamang ng pressure sa ilabas na bahagi ng iyong tuhod. Imassage ito ng sirkular na mosyon sa loob ng 3-5 minuto
Comments
Post a Comment