
Sino nga ba talaga ang makakapagpaliwanag kung saan nga ba napupunta ang mga kaluluwa ng ating mga kapamilya o mahal sa buhay na tumawid na sa kabilang buhay? Talagang napakasak!t mawalan ng isang mahal sa buhay. At dahil parte ito ng ating pagiging tao, lahat tayo ay dumadaan sa grieving process o ang pagdadalamhati.
Maaaring sa panahong ito, may mga katanungan tayo na hindi nasasagot kaya naman sinusubukan pa rin nating kumonekta sa kaluluwa ng ating mahal sa buhay. At maaari ring makaranas tayo ng mga paran0rmal experiences na depende sa tao kung papaniwalaan niya ba ito o hindi.
Narito ang mga senyales na nais magparamdam sayo ng kaluluwa ng mahal mo sa buhay.
1. Paglitaw o pagbisita niya sa iyong panaginip
Ang mga panaginip na ito ay tinatawag a "visitation dreams." Nagiging espesyal ang mga panaginip na ito dahil parang ito ay nagiging makatotohanan at hindi mo basta basta malilimutan. Ito ay parang isang encounter na kung saan binibisita ka ng iyong mahal sa buhay na nawala na.
2. Maaamoy mo ang kanilang pabango
Isa sa mga karaniwang paraan na mararamdaman mo ang presensya ng isang kaluluwang mahal sa buhay ay kapag bigla mo na lamang maaamoy ang kanilang pabango. Marahil ang pabango nila ang pinakamadaling memorya na maalala natin tungkol sa kanila. Huwag matakot at i-appreciate na lamang ito.
3. Pagiging extra sensitive ng iyong mga senses
Ang mga espiritu ay nagpaparamdam sa pamamagitan ng pag-stimulate ng ating mga senses: paningin, pandinig, pakiramdam, pangamoy, at panlasa dahil ito ang pinakamadaling paraan upang makuha nila ang ating atensyon. Maaaring sila ay maaninag, marinig na tila bumubulong o nakikipagusap, maramdaman na parang niyayakap o hinahawakan ka, maamoy ang kanilang pabango, o malasahan ang pagkain na gusto nilang iluto.
4. Hindi maipaliwanag na pangyayari
Ito ang dapat tandaan, ang iyong mahal sa buhay na tumawid sa walang hanggang buhay ay walang nais na takutin ka. Ang gusto lang nila ay kumonekta sa iyo at wala silang balak na saktan ka o matakot ka sa kanila. Maaaring magparamdam sila sa pagbukas-sindi ng ilaw, pagkawala ng mga gamit, o pagkilos ng kakaiba ng mga alagang hayop. Ito ay mga senyales lamang na andito ang kanilang presensya at nais lang nilang makuha ang iyong atensyon.
5. Paglitaw ng paru-paro o butterfly
Mayroong mga taong naniniwala na kapag may paru-paro sa bur0l ay kaluluwa iyon ng namay*pa. Siguro nga ito ay isa lamang coincidence, ngunit sino ba naman talaga ang makakapagsabi. Ngunit mayroong isang paniniwala na ang mga paru-paro ay simbolismo ng mga kaluluwang nasa purgatoryo at naghihintay na makapasok sa langit.
Sa karagdagan, ito rin ay nagrerepresenta sa buhay ng isang paru-paro o metamorphosis. Ang caterpillar/uod ay nirerepresenta ang ating pisikal nabuhay. Ang cocoon/bahay-uod ay ang ating himlayan. At ang butterfly/paru-paro ay ang resureksyon at muling pagkabuhay. Kaya naman ang isang adult butterfly ay nirerepresenta ang kalayaan ng ating kaluluwa sa kabilang buhay.
Comments
Post a Comment