6 Halamang Dapat Mong Ilagay Sa Loob Ng Bahay Para Mabawasan Ang STRESS At Ma-attract Ang Positive Energy!

Ang ating tahanan ay ang lugar kung saan dapat tayo ay komportable at makakapagrelax. Dahil sa dami ng stress at negative energy sa labas ng bahay, minsan ay nadadala natin ang mga ito sa pag-uwi.
Kaya upang magkaroon ng positive na energy at good atmosphere sa inyong tahanan, subukang ilagay ang mga halamang ito sa loob ng inyong bahay para maka-attract ng good vibes at mabawasan ang inyong stress sa katawan!
1. Lavender plant
Ang lavender plant ay napakaraming tulong sa pag-improve ng mood at bawasan ang stress. Dahil ito ay mayroong kakaibang mabangong scent kaya naman karaniwan din itong ginagamit sa mga essential oils. Para magkaroon ng mas mahimbing na tulog, maaaring ilagay ang halaman sa loob ng inyong kwarto.
2. Aloe Vera
Sa dami ng medicinal benefits at healing properties ng halamang aloe vera, may kakayahan din itong alisin ang mga polluting chemicals sa ating kapaligiran. Kaya nitong ipurify ang hangin sa loob ng inyong bahay o kwarto upang mas makahinga ng maayos at inaalis ang mga toxic chemicals sa paligid.
Sinasabi na ang halamang ito ay pangontra rin sa bad luck at negative vibes sa loob ng bahay.
3. Jasmine
Ang halaman na jasmine ay itinuturing na sagrado ng mga taga Persia. Ito ay dahil na rin sa nakaparaming benepisyong naidudulot sa ating buhay. Ang scent ng bulaklak nito ay nakakapagpataas ng energy levels, romansa, at productivity. Ilagay ito sa loob ng kwarto upang magkaroon ng mas mahimbing na tulog at maiwasan ang pagkabalisa o anxiety at stress.
4. Lucky Bamboo
Sikat sa mga Chinese ang halaman na Lucky Bamboo at karaniwang makikita sa kanilang mga tahanan dahil ito daw ay maswerte. Ayon sa mga Feng Shui experts, ang halaman ay nakaka-attract ng positive energy na nagdadala ng good health, peace, happiness, prosepertiy at good luck sa isang tahanan.
5. Rosemary
Ang pinaka-interesting health benefits ng rosemary ay ang kakayahan nitong iimprove ang memorya, mood, bawasan ang implamasyon, at proteksyunan ang immune system. Ginagamit din ang rosemary bilang aromatheraphy upang matanggal ang stress.
6. Orchid

Ayon sa mga Feng Shui experts, maganda rin ang maglagay ng orchid sa loob ng bahay dahil iniimprove nito ang spiritual well being at positive energy. Ang halamang ito ay nagre-release ng oxygen sa gabi at binabalanse ang mga energies sa palagid kapag ikaw ay matutulog. Nakakatulong din itong mag-attract ng positive energy na maaaring maka-contribute sa romansa at love.
Comments
Post a Comment