6 Healing Powers Ng Dahon Ng PANDAN Para Sa Iba't Ibang Karamdaman Gaya Ng Rayuma, High Blood, At Iba Pa!
Ang pandan ay isang karaniwang halaman na tumutubo dito sa Pilipinas. Kadalasan makikita ito bilang pampabango at pampalasa ng pagkain o kanin. Ang dahon nito ang siyang pinagkukuhanan ng mabango at manamis namis na amoy.
Ang pandan ay ginagamit na bilang tradisyonal na halamang panggamot dahil ito nga ay safe at epektibo. Narito ang mga karamdaman na kayang pagalingin ng dahon ng pandan!
1. Pampababa ng blood pressure
Ang pandan leaves ay may kakayahan na magpababa ng presyon. Kaya kung nakakaranas ka ng high blood. Maglaga lamang ng ilang pirasong pandan leaves sa 2 tasang tubig. Inumin ito sa umaga at sa gabi upang maging normal ang iyong presyon.
2. Pantanggal sa balakubak
Ang balakubak ay isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pangangati at panunuyo ng anit. Kung nasubukan mo na ang mga anti-dandruff shampoo at hindi pa rin naaalis ang balakubak, gamitin ang dahon ng pandan.
Ang gagawin mo lang ay dikdikin ang ilang piraso ng dahon ng pandan. Haluan ito ng kaunting tubig upang makagawa ng paste. Ipahid ang mixture na ito sa iyong anit at iwanan sa loob ng 30 minuto bago banlawan. Ang pandan ay nakakatulong ding magpaganda ng buhok.
3. Para sa rayuma at masakit na joints
Ang pandan ay isang natural pain reliever. Magchop ng 3 pirasong dahon ng pandan. Ihalo ito sa pinainit na coconut oil. Matapos palamigin ang solusyon. Maaari na itong gawing pampahid sa sumasakit na rayuma at joints.
4. Cramps
Ginagamit bilang tradisyunal na panggamot ang pinakuluang dahon ng pandan. Ipinapainom ito sa taong nakakaranas ng cramps. Maaari din ito sa mga nakakaranas ng pananakit ng tiyan o puson upang mabasawan ang nararamdaman.
5. Pampababa ng lagnat
Ang pandan ay may kakayahang magpapaba ng lagnat ng isang tao at nakakatulong ito na gawin agad normal ang body temperature.
6. Pampaganang kumain
Kaya naman siguro nilalagyan ng pandan leaves ang nilulutong kanin ay upang ganahan ang kakain. Ito ay dahil naglalabas ito ng mabango at nakakaengganyong amoy at tiyak na ikaw ay mapapakain.
Comments
Post a Comment