Skip to main content

6 Na Bagay Na Ipinapakita Mo Kapag Tunay Na Mahal Mo Talaga Ang Isang Tao!



Ang bawat tao ay may kanya-kanyang paraan upang mapakita nila ang pagmamahal sa kanilang asawa o kasintahan. Mayroong iba na hindi nila masabi ng direkta ang kanilang nararamdaman at pinapakita na lamang ito sa pamamagitan ng efforts o akto. At mayroon din namang iba na proud na proud na ipagsigawan ang kanilang pagmamahal sa isang tao.

Napakaraming kahulugan ng pagmamahal kaya naman ito ay espesyal sa bawat relasyon. At kung ipinapakita mo, ang mga bagay na ito sa taong iyong napupusuan, tiyak na tunay mo siyang mahal at ganun din siya sayo.

1. Pagpapakita ng respeto

Ang respeto ay isang basehan upang malaman kung talagang mahal mo ang isang tao. Hindi sapat na nag-iibigan lang kayong dalawa, ang importante ay alam ninyong tratuhin ang isa't isa na may paggalang mapa babae ka man o lalaki. 

2. Binibigyan mo siya ng importansya

Ang pagkakaroon ng oras sa isa't isa ay importante sa isang relasyon. Kahit na magkalapit lang kayo o nasa long distance relationship, kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawa at gagawa ka ng paraan upang mabigyan lamang siya ng oras.

3. Mas na nangingibabaw ang magandang katangian niya

Walang taong perpekto. Ngunit kung totoong mahal mo ang isang tao, kahit pati ang kanyang mga kapintasan ay matatanggap mo. Hindi mo siya pipiliting magbago upang ma-satisfy lamang ang iyong expectations. Sa halip, tatanggapin mo siya ng buong buo kahit sino at ano ang meron siya. 

4. Magtitiwala ka sa kanya

Sabi nga nila, ang tiwala ay ang nag-iisang bagay na napakahirap ibigay. Dahil kapag minsan mong nasira ang tiwala sayo ng isang tao maging kaibigan, kasintahan, o asawa mo man ito, ay magkakaroon na ito ng lamat kahit gaano mo pa pilit na ibalik. Pero kung totoong mahal mo nga ang isang tao, hindi ka magdadalawang isip na ibigay sa kanya ang iyong tiwala. 

5. Isinasama mo siya sa mga plano mo sa buhay

Kapag mahal mo ang isang tao, nagiging parte na rin siya ng iyong buhay at nagiging kasama na siya sa mga plano mo para sa hinaharap. Dahil kung tunay nga ang inyong pagmamahalan, dapat ay naiisip mo na rin na ito ay pangmatagalan. 


6. Kaya mong magsakripisyo

Hindi naman ibig sabihin nito na ikaw ay magpapaalila sa kanya o isantabi na lang ang iyong mga pangarap. Ang sakripisyong ito ay ang bukal sa loob mo na pag-aalay sa kanya ng tulong tuwing kailangan niya ito. O di kaya ay ang pagtitiis na maging tapat pa rin kayo sa isa't isa kung kayo ay magkalayo. 




Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…