
Ang pamamaga ng mga joints at paa ay maaaring magdulot ng matinding pananak!t at hindi komportableng pakiramdam. Maaaring dahil ito sa pagbubuntis, mababang sirkulasyon ng dugo, o dahil na-stuck sa isang posisyon ang iyong paa ng matagal.
Kapag nangyari ito, karamihan ay hinihintay lamang na humupa at kusang mawala ang pamamaga. Ngunit para mapabilis itong gumaling, narito ang remedyong pwede mong gawin!
1. Pagsuot ng compression socks o stockings
Ang mga ganitong uri ng medyas ay sadyang nakadesign upang mag-apply ng pressure sa iyong mga paa at binti at para maimprove ang sirkulasyon ng dugo. Iniiwasan nito ang fluid build up lalo na sa iyong mga paa.
2. Pagbabad sa tonic water
Ang inuming ito ay mabibili sa mga grocery stores o convenience stores. Ang tonic water ay nagtataglay ng natural anti-inflammatory na tinatawag na "quinine." Kaya subukang ibabad ang paa sa tonic water at hintaying guminhawa ang inyong pakiramdam.
3. Pagbalot ng paa gamit ang repolyo
Ang paraang ito ay tinatawag na cabbage wrap. Ito ay isang natural na paraan na ginagamit na noong sinaunang panahon pa. Dahil ang repolyo ay nagtataglay ng mga bitamina at phytonutrients na nakakautulong sa paghupa ng sakit at pamamaga.
Maglagay ng repolyo sa ref. Paghiwalayin lamang ang mga balat ng repolyo. Gawin itong pantapal sa namamagang paa at saka naman ibalot ito ng plastic wrap at iwanan nsa loob ng 30 minutos.
4. Pagbabad gamit ang tubig at epsom salt
Ang epsom salt ay mabibili sa mga groceryo o drug stores. IIbabad ang mga paa dito sa loob ng 15-20 minuto. Mabisa ito sa pag-ayos ng daloy ng dugo at maalis ang pamamaga sa paa. Epektibo rin ito na pantanggal sa mabahong amoy ng paa.
5. Cold compress
Ang pag-apply ng icepack o cold compress ay mabisa sa paggamot ng namamaga at kumikirot na paa. Kumuha ng yelo, ibalot ito sa manipis na tuwalya at ilagay sa paang makirot.
6. Paginom ng sapat na tubig
Siguraduhing nakakainom ka ng 8 na basong tubig araw-araw. Sa paraang ito, maiiwasan ang fluid retention sa katawan at maiiwasan ang pamamaga ng iyong mga paa.
Pwede ba s pamamaga Ng joinings sand kamay Ang repolyo
ReplyDelete