
Ang saging ay isa sa mga prutas na available buong taon dito sa Pilipinas. Sa katunayan, kaya kadalasan itong ginagamit sa mga dessert o pagkain ay dahil ito ay mas mura kumpara sa ibang prutas.
Bukod sa masarap at manamis-namis nitong lasa, ay isa rin itong magandang source na mapagkukunan ng potassium. Narito ang mga healthy reasons kung bakit dapat kang kumain ng saging araw-araw!
1. Mayaman ito sa potassium
Ang mineral na potassium ay kailangan ng ating katawan upang gumana ng normal. Ito ay kailangan upang magfunction ng tama ang mga nerves at muscles ng katawan, maregulate ang tibok ng puso at sodium. Kapag ikaw ay nagkulangan sa potassium, possibleng tataas ang iyong presyon at makakaramdam ka ng panghihina at pamumulikat.
2. Pinapanatiling hydrated ang katawan
Ang potassium ay may importeng parte sa pagtulong upang maregulate ang fluid balance sa katawan lalo na sa mga electrolytes na nawawala sa katawan tuwing may ginagawang nakakapagod na activity. Kaya sa mga athletes, pinapayuhan silang kumain ng mga pagkaing mayaman sa potassium upang maiwasan ang alin mang imbalance.
3. Mabuti para sa tiyan
Ang isang medium sized na saging ay nagtataglay ng 3 grams ng fiber. Ito rin ay naglalaman ng prebiotics na mabuti para sa tiyan. Nakakatulong ito sa proper digestion ng pagkain at weight loss.
4. Mabuti para sa puso
Kailangan din ng iyong puso ang potassium upang manatili itong malusog. Ayon sa mga research, ang pagkain ng maraming potassium ay nakakatulong mabawasan ang blood pressure levels at tiyansa na magkaroon ng stroke. Dahil ito ay may kakayahang ilabas ang mga excess heart-stressing sodium sa katawan.
5. Makakatulong sa malusog na pagbubuntis
Ang vitamin B6 na taglay ng mga saging ay importante sa brain development ng sanggol sa sinapupunan. Kaya mabuti itong kainin ng mga buntis.
6. Mapapanatiling kang busog at mahusay pampapayat
Kadalasan na kapag tayo ay gutom ay mas napaparami ang ating kain. Ito ang dahilan kung bakit madaling tumaba ang isang tao. Pero kapag kumain o ginawa mong snack ang saging ay mas magiging busog ka kaagad at maiwasan ang pagkain ng marami.
7. Pinapanatiling malusog ang iyong kidneys
Ang saging ay nagtataglay rin ng mataas na konsentrasyon ng phenolics, isang compound na mayroong antioxidant effects sa katawan. Nakakatulong din ang potassium na alisin ang sobrang calcium sa katawan na maaaring maging sanhi ng karaniwang uri ng kidney stone.
Comments
Post a Comment