Alam naman natin kung gaano kasustansya ang saging pagdating sa ating kalusugan. Bilang isang prutas na available ano mang season, napakarami na rin nitong nagagamot na karamdaman. Pero bukod sa prutas ay mayroon pang isang parte ang puno ng saging na benepisyal sa ating kalusugan.
Ito ay ang banana flower o mas kilala sa tawag na puso ng saging. Ito ay isang malaking bulalak na may dark purple na kulay. Ang mga maliliit na bulaklak ay makikita sa loob nito at sa katagalan ay magiging mga saging.
Kadalasang ginagamit ang puso ng saging sa mga lutuin, gaya ng ginataan o sisig. At narito ang kagandahang benepisyong makukuha mo dito!
Health Benefits na makukuha sa PUSO NG SAGING!
1. Panlaban sa imp*ksyon
Ang puso ng saging ay may kakayahang labanan ang mga imp*ksyon dahil mga bulaklak nito ay nagtataglay ng ethanol na siyang pumipigil sa bacterial growth. Epektibo rin ito na panglunas sa sugat.
2. Para sa diabetes at anemia
Ang mga taong may diabetes ay maaaring kainin ang puso ng saging na hilaw o pinakuluan dahil nakakapagpabawas ito ng kanilang blood sugar. Ito rin ay nakakapagpataas ng hemoglobin sa katawan, mayaman sa fiber at iron na siyang tumutulong pataasin ang red blood cell production para sa mga taong may an*mia.
3. Pampadami ng gatas ng ina
Para sa mga inang nagpapa-br**stfeed, makakatulong ang pagkain ng puso ng saging upang dumami ang supply ng gatas. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang sobrang pagdurugo pagkatapos manganak, pampalusog sa uterus, at maiwasan ang constipation.
4. Menstrual problems
Lutuin ang puso ng saging sa tubig at lagyan lamang ng kaunting asin upang maglasa. Nakakatulong ito sa mga babaeng nakakaranas ng menstrual problems dahil pinapataas nito ang progesterone sa katawan upang maiwasan ang labis na pagdurugo.
5. Pampabawas ng timbang
Dahil sagana ito sa nutrients at fiber, mabisa rin itong kainin sa mga gustong magbawas ng timbang. Idagdag lamang ito sa mga salad o soup.
6. Pampaganda ng mood at maiwasan ang pagkabalisa
Ang magnesium na taglay nito ay nakakatulong upang ma-improve ang iyong mood at mabawasan ang anxiety levels ng katawan o ang pagkabalisa. Nagsisilbi itong anti-depressants na walang halong side effects dahil sa natural nitong nature.
7. Para sa kalusugan ng iyong tiyan
Ang puso ng saging ay mayaman sa soluble at insoluble fibers. Ang soluble fibers ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng pagkain sa iyong mga bituka dahil madali itong matunaw. Samantala ang insoluble fibers ay nag-aassist sa mga undigested products. Pero ang dalawang ito ay esensyal sa healthy digestion at absorption ng pagkain.
Comments
Post a Comment