Skip to main content

7 Kagandahang Dulot Ng Pagkain Ng Talbos Ng Kamote Para Sa Kalusugan!




Isa sa mga madaling tumubong halaman sa ating bakuran ang talbos ng kamote.  Kabilang din ito sa mga pinakamasustansya gulay na available buong taon at hindi pa nangangailangan ng masinsinang pag-papatubo at pag-aalaga. 

Ayon sa mga pag-aaral ng siyensya, ito ay isang magandang source ng vitamin C at B vitamins na esensyal sa ating kalusugan. Bukod pa dito ay marami pa itong taglay na nutrisyon at mineral. Alamin kung ano ang kagandahang dulot ng pagkain nito!

1. Panlaban sa anemia

Ang anemia ay isang kondisyon na ang iyong katawan ay nagkukulang ng red bl0od cells o hemoglobin. Ito ang nagbibigay ng kulay pula sa dug0 kaya mapapansin ang taong anemic ay maputla at nanghihina. Ang pagkain ng talbos ng kamote ay makakatulong dahil ito ay mayaman sa iron na kailangan upang makagawa ang katawan ng sapat na red blo0d cells.



2. Anti-diabetes

Ang diabetes ay ang pangunahing sanhi ng heart disease, pagkabulag, at kidney failure. At ayon sa maraming pagsasaliksik, ang dahon ng kamote ay may anti-diabetic compound na nakakapagpababa ng blo0d glucose content. 

3. Pangsuporta sa kalusugan ng mga buto

Ito rin ay nagtataglay ng vitamin K na nakakatulong ma-maintain ang calcium sa mga buto at mabawasan ang tiyansa sa pagkakaroon ng osteoporosis. Makakatulong din ito upang maiwasan ang bone loss o pagiging marupok ng mga buto sa mga pasyenteng may osteop0rosis.

4. Mabisang antioxidant

Sa dami ng free radicals ngayon sa kapaligiran, ito rin ang mga nakakapagdulot ng iba't ibang sakit gaya ng c****r. Upang maiwasan ito, kailangan ng ating katawan ng antioxidants upang malabanan ang mga free radicals na ito. Napagandang source ng antioxidants ang talbos ng kamote.

5. Nakaka-promote ng magandang buhok at balat

Ang vitamin A na taglay ng gulay na ito ay nakakatulong sa kalusugan ng buhok at balat. Nakakatulong ito sa pagpromote ng collagen upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles at ma-maintain ang young looking skin.



6. Pangsuporta sa kalusugan ng mata

Ang dahon ng kamote ay mayaman sa lutein at zeaxanthin na sinasabing napakaraming benepisyo sa kalusugan ng mata at maiwasan ang pagkakaroon ng age-related macular degeneration at katarata. 

7. Maganda para sa puso

Ang taglay nitong vitamin K ay nakakatulong din malabanan ang pagbara ng mga arteries o ugat sa puso na siyang nagiging sanhi ng heart attacks. Ito ay isang importanteng nutrisyon upang mabawasan ang implamasyon sa katawan.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-