
Ang gout ay isang karaniwang uri ng inflammatory arthritis na dulot ng build up ng sodium urate crystals sa iyong mga joints. Ang karaniwang apektadong parte ng katawan ay ang "big toe" o ang malaking daliri sa paa. Ngunit maaari ring maapektuhan ang iba pang mga daliri, tuhod, at bukong-bukong.
Ang pagdami at pagbubuo ng uric acid ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng gout. At mayroong pagkakataon na maninigas ang mga ito o magfo-form ng mga crystals sa mga joints at ibang tissues ng katawan.
Bago pa lumala ang kondisyong ito, dapat ay maging aware na kayo sa mga maagang senyales ng gout!
1. Pagsakit at pamamaga ng malaking daliri sa paa
Karamihan sa mga gout cases na naitala, ang big toe ang laging naaapektuhan. Ang taong mayroon nito ay makakaranas ng pagsakit at pamamaga ng hinlalaki sa paa.
2. Acute pain attacks
Ang pabalik-balik na gout ay maaaring ma-identify na "attacks of pain." Ito ay pwedeng tumagal ng tatlo hanggang 14 days.
3. High blood pressure
May posibilidad na taas din ang iyong presyon kapag ikaw ay inaatake ng gout. Kaya dapat itong imonitor ng maigi dahil maaaring magdulot ng mg seryosong health issues gaya ng stroke at heart disease.
4. Pagmamanas o Edema
Ilan sa mga taong may gout ay nakakaranas rin ng pamamaga ng paa. Kaya kung namamaga ang iyong paa ng hindi mo alam ang dahilan kung bakit, ikonsulta na agad ito sa doktor.
5. Sakit sa bato o kidney stones
Ang mataas na lebel ng uric acid sa katawan ay maaaring ring magdulot ng formation ng mga uric acid crystals sa iyong kidney. Kaya dapat ay huwag itong balewalain.
6. Bawas sa pag-ihi
Hindi ito direktang senyales ng gout ngunit ang pagbawas sa iyong pag-ihi ay maaaring sintomas ng formation ng kidney stones na maaaring linked sa gout.
7. Fatigue at stress
Ang pagiging laging stress ay hindi maganda. Dahil maaari itong magpalala sa gout at iba pang inflammatory conditions. At kapag ang nai-istress ng sobra ang iyong katawan, mas magiging madali kang mapagod at manghina o ang tinatawag na fatigue.
Kaya bago pa man lumala ang kondisyon mo sa gout at para maiwasan ito, narito ang mga dapat isaalang-alang:
- Umiwas sa mga pagkaing mataas sa purine gaya ng bacon, seafoods, at turkey
- Magbawas ng timbang
- Mag-ehersisyo araw araw
- Umiwas sa @lak at inuming may @lcohol
- Kapag nakakaranas ng gout attack, makakabuting pahinga ang katawan at iwasan ang paglalagay ng pressure sa apektadong bahagi
- Paglagay ng icepack upang mabawasan ang sakit at pamamaga
- I-elevate ang mga paa upang mabawasan ang pananakit
Tandaan na mas mabuting i-prevent ang gout kaysa gamutin ito.
Matatawag po bang gout pag ang hinlalaki sa kamay ay nglolock
ReplyDeletemay ganyan ako...gout.
ReplyDeleteanother point b and gamot s gout
ReplyDelete