PARA SA MGA KABABAIHAN! Alam natin na talagang may sariling amoy ang ating pribadong parte. Ngunit ang nakakabahala ay kapag ito ay nagiging mabaho o kaya ay may di kanais nais na amoy.
Karamihan sa mga babae ay nagiging isang health issue ito dahil maaaring ito ay may kasamang impeksyon o kaya ay may kasamang pangangati, iritasyon, o kaya ay kakaibang discharge.
Ano nga ba ang dahilan bakit nagkakaroon ng mabahong amoy ang iyong private part?
- Infections
- Poor Hygiene
- Hormonal Changes
- Sweat/ pawis
- Depende sa iyong kinakain
Normally, ang pribadong parte ng babae ay nagtataglay ng iba't ibang klase ng microorganism. At isa dito ay ang Lactobacilli, na siyang responsable sa proteksyon laban sa impeksyon at pagkontrol ng acidity levels.
Kapag nagbago ang normal pH ng iyong ari ay maaaring mabago rin ang composition ng mga microorganism at madulot ng iba't ibang impeksyon gaya ng yeast at bacterial v^ginosis.
Narito ang solusyon upang mapanatiling healthy ang iyong pribadong parte
1. Madalas na pagpalit ng underwear
Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng iyong underwear upang maiwasan ang pag-ipon ng bakterya na maaaring magdulot ng impeksyon.
2. Pumili ng tamang sabon
Mas makakabuti kung gumamit lamang ng malinis na tubig at mild, unscented soap upang maiwasan ang pagbago ng normal pH levels ng iyong private part.
3. Madalas na pagpapalit ng sanitary napkins o liner
Magpalit ng napkin ng madalas kahit hindi pa ito napupuno upang maiwasan ang bacteria build up. Dahil ang mga bakterya ay gusto sa moist at basang kapaligiran, mas lapitin ka sa impeksyon tuwing suot mo ang sanitary napkin o pantyliner.
4. Umiwas sa pagkain ng junkfood
Ang pagkain ng sobrang sugar at carbohydrates ay maaaring magdulot ng unhealthy na katawan pati na rin sa iyong private part. Kaya piliing mabuti ang iyong kinakain at damihan ang pag-inom ng tubig.
5. Agad na ipasuri kung may impeksyon
Ang agad na pagpapatingin sa doktor ay recommended upang malunasan na ng maaga ang anumang impeksyon sa iyong private area at para hindi na ito sa mas malalang mga sakit.
6. Magsuot ng komportableng underwear at gawa sa cotton
Ang mga underwear na gawa sa cotton ay mas mabuting sinusuot dahil hinahayaan nitong makapasok ang hangin at upang makaiwas sa iritasyon.
7. Magkaroon ng regular check up
Kung ikaw ay nakakaranas ng problema sa iyong maselang bahagi, huwag mahihiyang ipacheck up ito sa isang gynecologist. Ang pagkakaroon ng regular na check up ay importante para matiyak na healthy ang iyong private area.
Comments
Post a Comment