
Ang sampaloc o tamarind ay isa sa mga karaniwang prutas na matatagpuan sa Pilipinas. Dahil sa maasim at may pagkahalong manamis-namis na lasa, ito ay karaniwang ginagamit na pampalasa sa mga lutuin, sawsawan, kendi, juice, at iba pa.
Ang prutas na ito ay nagtataglay ng mataas na nutrisyon kaya naman rekomendado ang pag-inom ng juice nito ng mga nutritionist upang mapalakas ang immune system at malabanan ang sa kit.
Ingredients
- Bunga ng sampaloc (fresh)
- Asukal o honey
- Lemon
- Tubig
1. Tanggalin ang mga buto ng sampaloc
2. Katasin ang natirang laman nito hanggang lumabas ang juice at ihalo sa tubig
3. Lagyan ng kaunting honey o asukal at lemon
4. Palamigin at inumin
Benepisyong naibibigay ng sampaloc juice sa ating katawan:
1. Pampabilis ng metabolismo
Isama ang sampaloc juice sa inyong diet upang mas maabsorb ng mabuti ang mga nutrients sa iyong katawan. Nakakatulong din ito sa pagpapabilis ng iyong metabolismo upang mas mabilis rin ang pagpapapayat.
2. Para sa mga may diabetes
Ang juice nito ay epektibo sa pagpigil ng katawan na magabsorb ng carbohydrates lalo na sa mga taong may diabetes. Kapag regular itong ininom, nakakatulong ito sa pagpigil ng biglaang pagtaas ng glucose level sa dugo.
3. Pampalakas ng immune system
Ang juice na ito ay mayaman sa antioxidants na esensyal para sa katawan. At kapag may sapat na antioxidants ang iyong katawan, mas mapapalakas ang iyong immunity upang malabanan ang mga sa kit.
4. Para sa kalusugan ng tiyan
Ang pulp o laman ng sampaloc ay nagtataglay ng magnesium at potassiumna nakakatulong upang maiwasan ang sobrang stomach acid at stomach ul cers. Ito rin ay mayroong fiber na nakakapag-regulate ng pagdumi at maiwasan ang constipation.
5. Para sa kalusugan ng puso
Ang regular na pagkonsumo ng sampaloc juice ay nakakapagpabawas sa taong may mataas na cholesterol levels. Ngunit makakabuti na ikonsulta muna ang pag-inom nito sa inyong doktor bago ito gawing isang home remedy.
6. Pang-purify ng dugo
Ang mga mga bitamina at mineral na mayroon ang sampaloc gaya ng folic acids at dietary fibers ay nakakatulong sa paglilinis ng dugo.
7. Pampaganda ng balat
Ito rin ay nagtataglay ng vitamin B at C na nakakatulong upang ma-rejuvenate ang balat at matanggal ang mga d*** skin cells at tissues.
8. Cooling effect sa katawan
Kung naghahanap ka ng isang natural, refreshing, at homemade juice drink, ito na ang dapat mong subukan. Ang sampaloc juice ay may cooling effect sa katawan kaya naman mabisa ito upang malabanan ang heat stroke.
Comments
Post a Comment