Hindi na bago na makaranas ng pagbagyo o pag-baha ang ating bansa. At kahit sa ganitong uri ng kalamidad ay nanatili pa rin ang mga Pinoy na matatag kahit bakas na sa kanilang mukha ang hirap sa ganitong mga panahon.
Para maging ligtas sa panahon ng bagyo, narito ang mga safety tips na dapat ninyong tandaan:
1. Maging prepared at makinig ng mga balita
Bago pa man pumasok ang bagyo sa bansa ay ibinabalita na ito sa radyo at tv. Upang matiyak kung kailan ang eksaktong araw na mararanasan ang bagyo, dapat ay maging handa na. Palaging tumutok sa mga balita upang maging updated.
2. Magkaroon ng communication plans
Tiyakin na nakacharge ang inyong mga cellphones upang magkaroon ng komunikasyon sa kasagsagan ng bagyo. Isave ang mga contact number ng mga ahensyang maaaring malapitan at mahingan ng tulong sa oras ng sakuna.
3. Iprepare ang mga supplies
Bago pa maranasan ang kasagsagan ng bagyo ay maging preparado na. Mamili na ng mga grocery supplies, pagkaing de lata, bottled water, emergency kit, at iba pang bagay na kakailanganin sa panahon ng bagyo at baha. Dahil mahirap na baka kung kailan bumabaha at bumabagyo na ay doon ka palang bibili ng mga supplies.
4. Ihanda ang mga protective gears
Ang mga protective gears na tinutukoy dito ay ang mga bota, kapote, payong, at flashlight. Isuot ang mga ito upang hindi mabasa at hindi direktang lumusong sa baha. Dahil maraming mga sakit ang maaaring makuha sa tubig baha.
5. Proteksyunan ang inyong bahay
Upang maiwasan ang pagbagsak at pagkawasak ng inyong mga properties, i-secure na ito bago pa man bumagyo. Tabasin na ang mga matataas na puno upang hindi bumagsak kapag malakas ang hangin. Kung bumabaha naman sa loob ng inyong bahay, itaas o ilikas na ang mga gamit.
6. Sumunod sa mga evacuation orders
Kung ang inyong mga punong opisyal ay nagutos na lumikas na sa mas mataas na lugar o evacuation centers, sundin na ang kanilang payo. Dahil mas makakabuti na ligtas na kayo sa lalong madaling panahon.
7. Proteksyunan ang sarili
Upang makaiwas sa anumang sakuna dulot ng bagyo, makakabuti kung manatili na lamang sa loob ng inyong tahanan at iwasan na ang paglabas labas.
8. Maging alerto
Pagkatapos ng bagyo, patuloy na maging alerto. Umiwas sa paglusong sa baha para maiwasan ang makuryente sa mga live wires. Kung ang inyong bahay ay nasira, siguraduhing stable muna ang kondisyon nito bago pumasok. Ireport ang mga nadamage na poste ng kuryente.
Comments
Post a Comment