Madalas niyo bang naririnig sa mga matatanda na "hindi ko na kailangan uminom ng vitamins, matanda na ako, pang bata lang iyon"? Kadalasan ba ito ang dahilan ng mga matatanda kaya hindi sila umiinom ng mga bitamina?
Alam niyo ba na habang tayo ay tumatanda ay mas kailangan natin ng mga daily vitamins para sa ating kalusugan. Kadalasan, ang mga babaeng edad 40 pataas ay sila ang mga mas kailangan uminom ng mga supplements o vitamins dahil sila ang mas nakakaranas ng iba't ibang kondisyon dulot ng men0pausal stage.
Kung kayo ay nasa edad 40 o 50, o kaya naman may kakilalang nasa edad na ganito at hindi sila umiinom ng mga bitamina, kailangan ninyong ibahagi ito sakanila dahil makakatulong ito para sa kanilang maayos na pangangatawan.
Narito ang mga TOP 5 na Vitamins na kailangan inumin ng edad 40 pataas:
1. Vitamin B
Isa ang vitamin B sa pinaka kailangan na bitamina ng mga babae na nasa edad 40 pataas dahil ito ay nakakatulong para sa malusog na nerve at blood cells. Karamihan sa mga matatanda ay hirap na i-absorb ang vitamin na ito na nakukuha sa pagkain dahil nahihirapan na ang kanilang digestive system na gumana ng maayos. Kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto na uminom ng vitamin B supplement upang mas makuha ang benepisyo nito.
2. Vitamin D
Halos lahat ng mga babaeng edad 40 pataas ay magkakaroon ng pananakit o panghihina ng mga buto dulot ng osteop0rosis. Ayon sa mga doktor, ang pagkakaroon ng sapat na Vitamin D sa katawan ay makakaiwas sa pagkakaroon ng osteop0rosis. Ang Vitamin D ay nakakatulong upang palakasin ang mga buto lalo na ang mga buto sa ating likod at tuhod na siyang kadalasang humihina pagdating ng panahon.
3. Magnesium
Ang pag-inom ng magnesium ng mga taong nasa edad 40 hanggang 50 pataas ay makakaiwas sa pagkakaroon ng Type 2 diabetes at ito ay makakatulong din upang mapababa ang inyong blood pressure.
4. Collagen
Ang Collagen ang tumutulong sa ating balat upang maging malambot at hyrdated. Ito ang makakatulong para magkaroon tayo ng matibay na kuko at makintab na buhok. Halos lahat ng mga taong may edad 40 pataas ay sumasailalim sa aging process na kung saan ito ang isang nagiging dahilan ng stress sa kanilang katawan dahil sa pabago-bagong kondisyon ng kanilang balat. Sa paginom ng collagen ay makakatulong ito upang magkaroon ng matibay na kuko, malambot na balat at makintab na buhok.
5. Omega 3s
Isa ang Omega 3s sa mga importanteng supplement na kailangan ng tao dahil ito nakakatulong makaiwas sa mga irregular heartbeats, pagkakaroon ng blockage sa arteries at mataas na blood sugar level. Inirerekomenda ng DHA na magkaroon ng 1,000 mg na Omega 3s araw-araw at ito ay maaaring makuha sa mga pagkain gaya ng salmon, nuts at flaxseed oil.
Comments
Post a Comment