Madalas niyo bng kamutin ang inyong mga mata lalo na pag ito ay makati ng walang dahilan? Alam niyo ba na delikado pala ang sobrang pagkamot sa ating mata dahil sa mga posibleng mangyari dito?
Ibabahagi namin sa artikulong ito kung ano ang maaaring mangyari kapag madalas ninyong kamutin ang inyong mata:
1. Injury
Hindi inaasahan na minsan ay mga pumapasok sa maliliit na dumi o insekto sa ating mata na nakakapagdulot ng pangangati nito. Hindi magandang kamutin natin ang ating mata kung sakaling mangyari ito dahil ang bagay na pumasok sa loob ng mata ay maaaring makapagdulot ng scratches o gasgas sa cornea ng ating mata.
2. Long term eye dis**se
Ang madalas na pagkamot sa mata lalo na tuwing bago matulog ay posibleng magdulot ng paghina ng cornea at dahil dito ay posibleng itulak ang ating mata paharap. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na Keratoconus kung saan nagiging manipis ang proteksyon ng mata at maaaring magkaroon ng distorted vision.
3. Pink Eye o Sore Eyes
Ang ating mga kamay ang nagdadala ng germs o bakterya sa ibang parte ng ating katawan at kapag ito ay ipinangkamot natin sa ating mata, maaaring malipat ang germs na ito sa loob ng ating mata at posible tayong maimp*ksyon tulad ng conjunctivitis o pink eye.
Ilan lamang yan sa mga posibleng mangyari kapag kinamot natin ang ating mata. Kaya importante huwag na huwag ninyo itong kamutin ng paulit-ulit. Mas mainam na hugasan ito ng malinis na tubig at punasan malambot na tela at hayaang mawala ang pangangati nito.
Comments
Post a Comment