Skip to main content

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!







Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?

Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 



Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.

Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.



Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng kanyang tyan. 


Nakayang alisin at bawasan ang gas na nasa loob ng tyan nito gamit ang tube na ipinadaan nila sa kanyang tyan. 


Ayon sa mga doktor, ang nagsanhi sa pananakit ng kanyang tyan ang pagkain niya ng instant noodles kasabay ang carbonated drink. Ito ay dahil sa napakaraming carbon dioxide sa loob ng kanyang tyan at hindi ito nakayanan ng kanyang digestive system. Ang nagpalala pa dito ay pagkatapos kainin ng lalaki ang instant noodles, agad itong natulog at hindi siya natunawan.




Sa isang research study, nag-eksperimento sila ng instant noodles na nakalagay sa isang ziplock bag at nilagyan nila ito ng carbonated drink. Matapos ang ilang sandali ay nagkaroon ito ng hangin sa loob hanggang sa lumobo ang ziplock.



Marahil ito ang nangyari sa loob ng tyan ng lalaking ito. Kaya naman nang ito ay nag-viral sa social media, maraming netizen ang nagalala at tumigil na pagsabayin ang dalawa.


Comments

  1. Chemical Reaction yun hindi physical....

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. hindi kalokohan yn...dka p lng nttyempohan,,,isa pa iba iba ang metabolismo ng tao...maaring ms mtibay ktawan mo pero alalahanin mo...wlng forever pgka ptuloy tyo s pglabag s kalusugan my oras din ang hangganan. kya jz take it positively! wgka msyado nega dhil dkapa tinatamaan!

      Delete
    2. gaya gay lang yan paano nyo nasabi pag ikaw ang nadale yan ang massabi mo subukan mo lang

      Delete
  3. Ilang beses q na yang ginawa. Pero awa naman ng diyos wala naman aq ng maramdaman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kalokohang balita iyan bka nagkataon lng iyon kahit ako ilang beses ng nagnknodles at softdrinks eh wala nman ehh

      Delete
  4. ingat tayo palagi sa mga kinakain at iniinom.

    ReplyDelete
  5. ang masama pa bagong kain natulog agad posibleng sumakit ang tyan

    ReplyDelete
  6. utot lng katapat nyan sa mga pinoy...hahahaha

    ReplyDelete
  7. pano hindi sasakit tiyan nya eh ilang litro coke taz isang plangganang noddles. natulog pa.

    ReplyDelete
  8. Ma's maige imaging maingat at mapanuri sa pagkain lalo sa ngyun puro preservative na ung pagkain halos ating kinakain ma's magnda na mging health conscious tayo saka kana umiwas sa nga pagkain na dpat kainin sa araw Kong my sakit kana mahirap na un gamutin

    ReplyDelete
  9. wala naman pong masama kung mag iingat tayo diba!...

    ReplyDelete
  10. How about taba and softdrinks?ano epekto nun?

    ReplyDelete
  11. Ahh fait news yan masarap kaya kumain niyan sobrang sarap kaya wag kayong maniwala jan fait news yan papansin lang yan

    ReplyDelete
  12. Fake news po sir,d fait news..✌️✌️✌️ala naman po Masama kung mag ingat po tayo..

    ReplyDelete
  13. ingat lang tayo, ako may gastro, bawal ang coke float sakin, or carbonated drinks at dairy products, totoo may chemical reactions ang iba't ibang pagkain, example, may mga prutas na hindi pwedeng pagsamahin, acidic fruits sub acidic fruits at sweet fruits, you can look it up, with a little research you might be able to understand what message this article wants to deliver, may doctor na akong nag advice na ang halo halong pagkain sa tyan ay may iba't ibang klase ng epekto sa katawan, kung tutusin common sense lang, pero stil magandang aware ang mga tao sa ganyan might as well save your life and prevent such from happening, educate, research, and consult an expert

    ReplyDelete
  14. D lang sya naka utot ^^ dapat pag katapos kumain wag hihiga agad mag lakad2x muna para matunawan

    ReplyDelete
  15. Made in china kasi yung noodles

    ReplyDelete
  16. Sarap..!! Lagi ko namang ginagawa yan eh no effect naman...
    Baka kasi ang instant noodles ng china iba sa Pinas...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…