Ang pagkakaroon ng mabahong pangangatawan ay nakakahiya dahil nakakaperwisyo ito sa pang-amoy ng ibang tao. Maliban sa pagkakaroon ng poor hygiene at maruming katawan, isang dahilan kung bakit bumabaho ang amoy ng isang tao ay dahil na rin sa mga kinakaing pagkain.
Kaya kung ayaw mong maging masangsang ang iyong amoy ay iwasan ang mga pagkaing nakalista dito!
1. Sibuyas
Kahit hindi mo pa kinakain ang sibuyas ay makapit na ang amoy nito madikit lang ito sa iyong katawan dahil sa taglay nitong mataas na level ng sulfuric acid. Ang oil din na taglay ng mga sibuyas ay inaabsorb ng katawan kaya ang taong mahilig kumain nito ay nagkakaroon ng masangsang na amoy. Ito rin ang dahilan kung bakit bumabaho ang iyong hininga.
2. Bawang
Gaya ng sibuyas, ang bawang ay mataas din sa sulfuric acid na siyang sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy. Kaya kapag naparami ang iyong kain nito, ang amoy ng bawang ay sinisipsip ng iyong katawan at lumalabas sa balat.
3. Red meat o pulang karne
Ang mga pulang karne gaya ng beef ay mahirap madigest sa ating tiyan kaya nag-iiwan ito ng residue na kapag nailabas sa pawis ay naghahalo na bakterya ng ating katawan at nagpapalakas ng sa amoy nito.
4. Broccoli, repolyo, cauliflower, at iba pang piling gulay
Alam naman natin na maganda ang gulay para sa ating kalusugan. Ngunit mayroon mga piling gulay na nagtataglay ng mataas na level ng potassium at sulfur, isang kemikal na nakakapagdulot ng masamang amoy sa katawan. Kaya kung mahilig ka sa mga ito ay nakakapagpabaho ng pawis, hininga, at utot.
5. Asparagus
Kung mahilig kang kumain ng asparagus, mapapansin din na ang iyong ihi ay mayroong mapanghing amoy.
6. Spices
Ang mga spices o sangkap na pampalasa gaya ng chili at curry ay nag-iiwan ng masangsang na amoy sa hininga, pati na rin sa pawis at balat kapag ito ay nadigest ng katawan. Ang amoy nito ay mabilis ding kumapit sa mga damit.
7. Al@k
Dahil ang al@k ay isang likido, madali ito maabsorb ng katawan. Mapapansin na kapag ikaw ay umihi at pinagpapawisan ay nangangamoy alak ang iyong katawan. Mahirap matanggal ang amoy nito sa iyong hininga kahit na ikaw pa ay nagsepilyo.
Comments
Post a Comment