Ang Tigdas hangin ay isang nakahahawang virus na nagdudulot ng rushes sa balat o pamumula at nagdudulot rin ng pagkalagnat. Karaniwang tinatamaan ng sakit na ito ang mga edad na 3 hanggang 11 na taong gulang. Tinatawag rin itong german measles. Hindi naman dapat ikabahala ang pagkakaroon nito dahil bukod sa rashes at lagnat ay wala naman itong mas malubha pang sintomas.
Ang Chicken Pox ay kilala sa tawag na bulutong. Ito ay isang uri ng sakit na nanggagaling sa impeksyon na dulot ng virus na varicella zoster. Ang pagkakaroon ng sakit na ito ay maaaring magtagal ng 7 araw hanggang 3 linggo bago magpakita ang mga sintomas nito. Maaaring makaiwas sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng chicken pox vaccine. Ang pagkakaroon ng sakit na ito ay maaring magtagal ng 10 araw. Ang pagkakaiba ng dalawa ay ang itsura at ang mga sintomas ng mga ito. Maaaring parehas ang ilan sa mga sintomas nito ngunit ang paglitaw ng sakit na ito at pagtagal nito sa ating katawan ay may magkaibang tagal.
Narito ang mga sintomas ng tigdas hangin:
1. Rashes o Pantal-pantal
Ito ang pangunahing sintomas ng tigdas hangin. Ang balat ay maaaring mag kulay ng mamula-mula hanggang mag kulay ng pink ang kulay ng rash o pamamantal-mantal. Lumalabas ang sintomas na ito na naguumpisa sa ulo, sa likod ng tenga, at kumakalat pababa hanggang sa dibdib, tiyan, kamay at paa. Halos ang buong katawan ay may mga pantal-pantal o pamumula ng balat.
2. Pagkakaroon ng Trangkaso
Bukod sa pagkakaroon ng rashes ay maaari rin na mag karoon ng mala-trangkasong pakiramdam. Maaaring magkaroon ng lagnat, pag-ubo at sipon. Maari rin na maranasan ang pananakit ng ulo at barado o tumutulong sipon.
3. Mga Kulani
Ang paglitaw ng mga kulani ay maaaring maging sabay o bago pa man magkaroon ng rashes na lumitaw sa katawan. Maaaring magkaroon nito na namamaga sa parte ng katawan sa leeg.
Ito naman ang sintomas ng Chicken Pox:
1. Pananakit ng katawan
Bago lumabas ang mga bulutong sa katawan o chicken pox ay maaaring makaranas ng pananakit ng katawan na maaaring ikalagnat, kawalan ng gana sa pagkain, pagkahilo, pagkasuka, pananakit ulo. Ilan lamang yan sa mga maaaring marasan kapag nagkaroon ng bulutong.
2. Sore throat
Maaari tin maranasan ang pananakit ng lalamunan at pati na rin ang pananakit ng tainga.
3. Pagkakaroon ng bumps sa balat na may tubig
Kapag natapos na ang mga iba’t ibang nararamdaman ay lilitaw na ang mga pantal o bumps sa iyong balat na tipikal na mga butlig na may kasamang tubig. Maaaring maranasan ang panganagati ng katawan bago ito lumitaw at kapag lumilitaw na ang mga ito. Maaring kumalat ito sa mukha at sa buong katawan.
Comments
Post a Comment