Ang Okra ay kilala bilang isang flowering plant dahil ito may tinatawag na seed pods o maliliit na parang buto sa loob. Isa sa Pilipinas ang Okra bilang pangunahing pansahog o sidedish sa ating ulam araw araw. Alam niyo ba ang simpleng gulay na ito ay hindi lamang basta basta gulay? Tinatagurian din pala itong isang superfood panlaban sa mga kondisyon.
Bakit Kailangan natin kumain ng Okra? Ano ang mga bagay na posibleng makuha natin kapag tayo ay kumain nito?
1. Para sa maayos na Digestive System
Kadalasan, nagkakaroon tayo ng komplikasyon sa ating digestive system kung saan nahihirapan nating tunawin ang pagkain o kaya naman hirap sa paglabas ng dumi. Ang pagkain ng gulay na ito ay makakatulong sa pagbawas ng gastrointestinal disease tulad ng bloatedness, diarrhea, constipation at sobrang hangin sa tyan.
2. Nakakatulong para sa mga Diabetic na tao
Ang Okra ay mayroong power seed at balat na nakakatulong para sa mga may Diabetes Type 2 na tao dahil ito ay may antidiabetic at antihyperlipidemic properties sa kanyang sticky na balat. Kaya naman kung kayo ay kakain nito, makakatulong ito para ma-stable ang inyong blood glucose level sa katawan.
3. Nakakabawas ng Pananakit ng Rayuma
Ang Okra ay matagal ng ginagamit bilang isang remedyo para sa mga joint pain o rayuma sa matatanda. Upang makuha ang benepisyo ng okra ng mas mabilis, pakuluan ito at lagyan ng asin at paminta hanggang ito ay maging sticky dahil ang sticky liquid na ito ay ang siyang punong puno ng masustansyang nutrients.
4. Nakakapagpababa ng Blood Pressure
Karamihan sa atin ay mayroon tayong elevated Blood Pressure kung saan kadalasan ay tumataas ang ating presyon. Upang bumaba nito, Ugaliin ang pagkain ng Okra dahil ito ay may mataas na potassium content kung saan nakakatulog sa pag maintain ng fluid balance sa katawan at binabalanse ang sodium sa ating sistema.
5. Nakakapagpalinaw ng Mata
Ang Okra ay may mataas na content din ng Vitamin A kung saan ito ay nakakatulong na tanggalin ang mga free radicals sa ating sistema na kung saan ay siyang nakakapagpag denegrate ng cells sa ating mata. Kaya naman sa pagkain ng okra, matutulungan tayong magkaroon ng malinaw na mata at malimitahan ang tyansang magkaroon ng katarata.
Comments
Post a Comment