Skip to main content

Limang Gamit Ng Dahon Ng Saging Bilang Panlunas Sa Mga Karamdaman At Iba Pa!

Ang saging ay isa sa mga prutas na nagtataglay ng napakaraming sustansya. Pero bukod dito, ang dahon nito ay ginagamit din bilang pambalot sa mga pagkain o kakanin. Marahil marami ang may hindi alam na ito rin pala ay mayroong medicinal benefits sa ating katawan. 

Ang dahon ng saging ay ginagamit bilang isang herbal na gamot na panlunas sa iba't ibang karamdaman pati na rin bilang isang beauty remedy. Ito ay nagtataglay ng importanteng sangkap gaya ng polyphenols- isang antioxidant, protein, at allantoin na benepisyal sa katawan. 

Narito ang iba't ibang pwedeng paggamitan sa dahon ng saging sa ating kalusugan:

1. Pantanggal ng sore throat

Ang sore throat ay kadalasang dulot ng virus na nagsasanhi ng pagkairita, pangangati ng lalamunan, at pananakit kapag lumulunok. Maaaring inumin ang pinaglagaang dahon ng saging 1 beses sa isang araw upang maiwasan ang paglala ng sore throat.

2. Pampababa ng lagnat

Ang mga antioxidants at astringent properties na makukuha mula sa dahon ng saging ay nakakatulong upang bawasan ang implamasyon sa katawan na kadalasan ay nagdudulot ng lagnat. Upang bumababa ang lagnat uminom ng pinaglagaan ng dahon 3 beses sa isang araw.

3. Panggamot sa pangangati at sugat

Ang sariwang dahon ng saging ay ginagamit bilang tradisyonal na panggamot sa mga sugat at iritasyon. Magdikdik lang ng sariwang dahon ng saging at ipantapal sa apektado bahagi. Lagyan ng benda upang manatili sa lugar. Palitan ito 2-3 beses sa isang araw.

4. Pampatibay ng immune system

Mabilis na kapitan ng sakit ang isang taong mahina ang immune system. Ang allantoin na taglay ng pinatuyong dahon ng saging ay nakakatulong magpalakas ng resistensya ng katawan upang maiwasan ang mga sakit.

5. Pampaganda ng buhok

Ang dahon ng saging ay nakakatulong gamutin ang balakubak at ma-maintain ang pagkakaroon ng malusog na anit dahil sa astringent properties nito. Dinudurog ang dahon at ginagawa itong hair mask. Sa regular na paggamit nito, mas magiging maganda at makintab ang iyong buhok. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl