Sa isang relasyon nariyan ang kasiyahan, kilig at laging magkasundo sa mga bagay-bagay ngunit kung minsan naman ay nagkakaroon ng pagseselos, galit, tampo, at ang hindi pagkakaintindihan. Ang hindi pagkakaintindihan ay maaaring pagmulan ng pagaaway ng isang mag-karelasyon. Ang away o hindi pagkakaintindihan ay normal lamang sa isang relasyon.
Sabi nang iba ang pag-kakaroon ng away sa relasyon ay siyang nagpapatibay nito dahil natutunan ng bawat isa kung ano ang pagkakamali nila. Ngunit kung ang isang relasyon ay puno na lang lagi ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ay maaaring ito ang maging sanhi ng paghihiwalay.
Kaya ang aritukulong ito na tumatalakay sa isang relasyon ay mabibigyan ng tips ang mga nagbabasa kung paano maisasalba ang inyong relasyon sa tuwing kayo ay ay nag aaway:
Narito ang Limang Helpful Tips kung paano maayos ang away sa isang relasyon:
1. Alamin ang pinag-mumulan ng away
Minsan sa isang relasyon pinagmumulan ng away ang pag-uugali o asal ng isang tao at maaari rin naman ang tungkol sa inyong komunikasyon, oras sa isa’t isa, at napapabayaan na ang isa’t isa. Iilan lamang yan sa pinagmumulan ng away. Kaya kung may hindi pagkakaintindihan ang magkarelasyon ay kinakailangan na alamin kung ano ito at kung malaman man ito ay ang susunod na tips ang sundin.
2. Pag-usapan
Kinakailangan sa isang relasyon na pag-usapan ang anomang hindi pagkakaintindihan. Siguraduhin na hindi lalampas sa isang araw ang hindi pagkakaintindihan at huwag nang ipagpabukas pa ang paguusap at huwag hayaan na matulog na hindi nagkakayos para hindi na mas lumala pa ang pag-aaway.
3. Tiyakin na maayos ang pakikipag-usap
Kapag pinaguusapan na ang pinagmumulan ng pag-aaway ay kinakailangan na maging maayos ang pakikipagusap sa iyong partner. Dapat ang lahat ng sasabihin ay nakatutulong sa pagaayos ng iyong relasyon at hindi sa ikasisira nito. Kinakailangan na magpakumbaba at maging malawak ang pangunawa para sa ikaaayos ng relasyon.
4. Love Language
Ito yung pamamaraan kung paano mo susuyuin ang iyong partner o maipapadama ang iyong pagmamahal at pag-hingi ng sorry sa napag-awayan o hindi pagkakasunduan. Maaaring ang iyong partner ay mahilig sa regalo, surprises, flowers o iba pa. Maaari rin naman sa halik, yakap o matatamis na salita. Ilan lamang yan sa mga maaaring gawin para maging maayos o magkaayos sa nangyaring pag-aaway.
5. Tiwala, Pagmamahal at Respeto
Sa isang relasyon kinakailangan ng tiwala sa partner. Kahit na nagkakaroon ng away ay kinakailangan na mas mangibabaw ang pag-mamahal sa isa’t isa at kinakailangan na hindi mawawala ang respeto sa isa’t isa.
Comments
Post a Comment