Panahon nanaman ng tag-ulan. Nariyan nanaman ang paglamig ng panahon at katamaran sa paglabas o pamamasyal sa mga ibang lugar. Ang lamig na hatid ng tag-ulan ay siya naman ng paghanap ng mga kaining pangtanggal ng lamig na nararamdaman. Mga pagkaining may maiinit na higuping sabaw at mga pagkaing katakamtakam kapag tag-ulan.
Narito ang mga 5 halimbawa ng pagkaing masarap na kainin tuwing tag-ulan.
1. Pandesal, Palaman at Kape
Halos lahat ay nakaugalian nang uminom ng kape tuwing umaga para maibsan ang lamig na nararamdaman at pinaparesan ng pandesal o anumang tinapay. Kapag tag-ulan isa ito sa pangunahing gusto natin unumin at sinasabayan pa ng tinapay na may palaman. Nakapagbibigay ng mainit na pakiramdam at naiibsan nito ang lamig na taglay ng pagiyak ng kalangitan.
2. Goto
Masarap na kainin ang goto tuwing umuulan. Nakapagbibigay ng mainit na pakiramdam at nakakabusog sa kalamnan. Ang sangkap nito na bigas o rice na sinasamahan ng mga sangkap na itlog, manok, tokwa, at baka na nakapagbibigay ng masarap na lasa. Maari mo din lagyan ng fried garlic at chili paste.
3. Lomi
Masarap sa tag-ulan ang mga higuping sabaw para sa pag-ibsan sa lamig na ibinibigay ng panahon. Isa ang lomi sa masarap na kainin. Noodles, gulay, itlog at karne ang maaaring maging sangkap nito. Maaari din partneran ng pandesal o ano mang tinapay. Maaari din kainin ang iba pang mga may sabaw at noodles na lutuin tulad ng lapaz batchoy, sotanghon, mami, ramen at iba pa.
4. Ginataang halo-halo
Kilala rin ito sa tawag na sampelot, binitbit, binignit at iba pa. Ito ay kainin na pinaghalo-halong sangkap ng kamote, sago, saging, glunetious rice balls at gata ng niyog. Ito ay isa rin kilala na Filipino dessert dish. Masarap itong kainin tuwing tag-ulan at masarap rin na kainin kapag malamig ito.
5. Champorado
Kung ang hanap ng iyong tiyan ay matamis tuwing tag-ulan patok jan ang champorado. Ang champorado ay gawa san a cocoa, bigas at gatas. Maari mo rin lagyan ng chocolate powder, hersheys topings o ano man na gusto mong idagdag na pangmatamis. Kung gusto mo rin naman na magbalanse ang tamis at alat ay partneran mo ng tuyo. Tiyak na maiibsan nito ang lamig na dala ng panahon at ang iyong tiyan ay mabubusog.
Comments
Post a Comment