Madalas mo bang pinagdududahan ang iyong asawa dahil baka ito ay nangangaliwa sa iba? Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang ilang tinatawag na 'red signals' sa isang relasyon upang malaman kung ang iyong asawa ay may kinikita ng iba.
Narito ang Limang Red Signal Signs Na Dapat Mong Subaybayan Sa Iyong Asawa:
1. Kakulangan sa Excitement
Kung napapansin mo na ang iyong asawa ay hindi excited na makita ka, makasama ka o maka-bonding ka, isa na itong warning sign na baka attracted na siya sa iba. Sa una, ang dalawang mag kasintahan o mag-asawa ay madalas na excited o sabik sa lahat ng bagay basta kasama ang kanilang partner, subalit ang pagiging sabik ay lumilipas o maaaring mawala, pero hindi ibig sabihin na hindi na kayo mahal ng iyong partner. Kung napapansin niyo na siya ay hindi na sabik sa iyo, kausapin siya tungkol dito upang maliwanagan kayo.
2. Pagtatago ng cellphone o pagsisinungaling
Ang pagtatago ng cellphone ay isa nang warning signal na dapat niyong ikabahala. Kung walang tinatago ang isang tao, hindi niya ipagkakaila ang kanyang cellphone. Kung napapansin niyo din na madalas na magsinungaling ang iyong partner kahit na alam niyo na ang totoo, ito ay nakakabahala na dahil maaaring nagtatago na ito ng pagkakamali.
3. Kung madalas siyang makipag-away o mainis sayo sa maliliit na bagay
Ang isang taong inlove ay hindi agad agad o basta basta maiinis sa kanilang partner lalo na sa maliliit na bagay. Maaari itong mainis ngunit panandalian lamang, pero kung napapansin mo na madalas galit ang iyong asawa dahil sa hindi mo alam na dahilan, kausapin ito at dahil baka may gumagambala na sa kanyang isipan.
4. Kapag naging mas conscious siya sa kaniyang itsura o porma
Kung mapapansin mo ang iyong asawa ay nagbibihis o pumoporma ng wala namang dahilan ay maaaring sign ito na siya ay nag aayos para mapansin ng iba. Hindi naman masama ang mag-ayos ng ating itsura, subalit kung napapansin mo na madalas niya itong ginagawa at hindi para sayo, maging alerto kana at baka sa iba na siya pumoporma.
5. Kung madalas na late umuwi o busy ng walang dahilan
Alam nating lahat na mahirap magtrabaho dahil sa dami ng seminars, deadlines at meetings sa trabaho. Kung ang iyong partner ay wala nang oras sa iyo, hindi na ito maganda para sa inyong relasyon. Mag simula ka ng magtanong ng maayos at kung bakit hindi siya makahanap ng oras sayo. Kung hindi mo nagustuhan ang kanyang sagot o kaya naman siya ay nagalit kung bakit ka nagtatanong, posibleng isa na itong sign na siya ay nangangaliwa.
Comments
Post a Comment