Skip to main content

Limang Side Effects Ng INSOMNIA Sa Ating Kalusugan



Lahat ng tao ay nakakaranas ng insomnia kahit minsan sa kanilang buhay. Ito ay isang sleeping disorder na ang isang taong mayroon nito ay hirap o di makatulog. Maaaring ito ay dulot ng napakaraming factors gaya ng stress, pagkabalisa, poor diet, jet lag, depression, uri ng lifestyle, etc.

Ang epekto ng insomnia sa ating kalusugan ay hindi maganda. Dahil maaring maapektuhan ang iyong physical at mental health kung patuloy mong nararanasan ito. 

Ang taong mayroong insomnia ay nararanasan ang ilan sa mga sintomas na ito:
  • Hirap sa pagtulog
  • Hindi makatulog ng higit sa isag oras
  • Nagigising sa madaling araw at hindi na makatulog muli
  • Hirap sa konsentrasyon
  • Mababang enerhiya at madaling mapagod
  • Pagiging iritable at mood swings
  • Pagbabago sa behavior
  • Dry at kulubot na balat
  • Weight gain
  • Hirap sa pagtatrabaho



Samantala, narito naman ang side effects ng insomnia sa ating kalusugan

1. Hirap sa pag-iisip

Ang pagtulog ay kailangan upang marefresh ang ating utak. Kapag kulang ka nito, ang iyong utak ay hindi makakapagproseso ng maayos kaya mahihirapan kang mag-concentrate at makapag-isip. 

2. Delikado sa ating kalusugan

Ayon sa mga health experts, ang mga taong nakakaranas ng insomnia ay nagkakaroon ng mga problema sa kalusugan partikular na sa puso. Nakakaranas sila ng irregular heart beat, high blood, heart dis**se, stroke, at diabetes.

3. Maaaring magdulot ng mental problems

Dahil ang utak ay isa sa mga naaapektuhan dito, ang insomnia ay maaaring magdulot ng mental health problems gaya ng depression at anxiety. At kapag ikaw ay nakakaranas ng depression pwedeng pabalik-balik lang rin ang iyong insomnia.

4. Madaling pagtanda

Kapag hindi ka nagkakaroon ng sapat na tulog, nakikita ang epekto nito sa ating balat. Nagkakaroon ka ng eyebags, nagiging dry ang iyong balat, at lumilitaw ang mga wrinkles. Dahil naglalabas ang iyong katawan ng hormone na cortisol na sumisira sa collagen na kailangan ng iyong balat. 

5. Pagtaba o weight gain

Ang kakulangan sa tulog ay siyang nakakapagpa-gutom sayo ng madalas. Ayon sa mga pagsusuri, ang mga taong kulang sa tulog ay mas napapakain ng mas madami kumpara sa mga taong may sapat na tulog. Kaya kung ayaw mong tumaba, magkaroon ka ng sapat na tulog araw araw. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao.  Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan: 1. Tuna Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki.  2. Tilapia Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito.                          3. Palos o Igat  Maaari itong magsanhi ng