Huwag natin balewalain ang pagkakaroon ng mental ilness tulad ng depresyon o anxiety sa mga taong apektado nito. Ito ay hindi lamang gawa-gawa ng mga tao sa kanilang isip dahil ito ay isang kondisyon na maaaring makaapekto ng isang buhay ng tao ng hindi nila alam.
Ano nga ba ang depresyon?
Ang depresyon ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng labis na kalungkutan. Maaaring dahil ito sa nagpatong-patong na problema o kaya naman bigla nalang niya itong mararamdaman dahil na rin sa pagod at stress sa buhay.
Walang pinipiling klase ng tao ang pagkakaroon ng depresyon dahil ito ay maaaring maranasan ng lahat ng tao. Subalit mayroong ilan lamang na nakakaranas nito at kaya nilang solusyunan. Habang may iba naman na hindi nila alam na nakakaranas na pala sila ng ganito.
Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang mga hidden signs na depressed ang isang tao upang mas maging aware tayo sa kondisyon na ito:
1. Pagiging iritable o madalas na galit
Maraming tao ang hindi nakakaalam na kung ang isang tao ay madalas na magalit o maging iritable ay posibleng isa itong hidden sign na may depresyon ang isang tao. Ito ay madalas na mapapansin sa mga teenagers na akala ng iba ay isa lamang na normal behavior ng mga kabataan subalit hindi alam ng marami na isa na itong senyales na depressed ang isang bata.
2. Madalas na pagtulog o madalas na pagpupuyat
Kung napapansin ninyo na madalas tulog ang isang tao ay hindi ibig sabihin na ito ay pagod lamang. Pansinin ang sleep pattern ng isang tao kung nakatulog na siya ng walong oras, dapat sapat na ito upang magkaroon ng enerhiya kinabukasan, subalit kung ito ay madalas na lamang na tulog lalo na sa umaga ay maaaring senyales na ito na mayroong pinagdadaanan ang isang tao.
3. Pagka walang gana sa pagkain
Napakasarap naman nga talagang kumain lalo na kapag ang mga comfort food ang ating kinakain. Subalit kung ang isang tao ay madalas na walang appetite sa mga pagkain at madalas itong hindi sumasabay sa pagkain, ito ay isang hidden sign na posibleng may depresyon ang isang tao. Mainam na ayain ito na kumain at sabayan sa pagkain upang mas maging open ito sa kanyang nararamdaman.
4. Madalas na malalim ang iniisip
Kung nakakapansin kayo ng tayo na madalas na lamang nakatulala at tila ba mayroong malalim na iniisip, isa itong posibleng senyales na baka mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan. Kaya huwag ninyo basta ipasawalang bahala kung ganito na ang inyong nakikita sa isang tao.
5. Walang ganang makipagusap, pumasok sa school o trabaho at walang gana gumawa ng mga bagay
Ang pagkakaroon ng depresyon ay isang napakahirap na kondisyon kung saan maaari nitong apektuhan ang ating enerhiya at motivation sa araw-araw. Kung napapansin ninyo na ang isang tao ay madalas walang gana sa lahat ng bagay, maging alerto at baka ito ay nakakaranas na ng mental illness na depresyon.
Ilan lamang yan sa mga senyales na dapat ninyong malaman. Napakarami pang hidden signs na depressed ang isang tao kaya naman huwag tayo basta basta na humusga ng iba. Laging maging mabait at matulungin dahil hindi natin alam na sa isang iglap pala ay bigla nalang mawawala ang isang tao dahil hindi na niya kinaya ang kanyang nararamdaman.
Comments
Post a Comment