10 Sintomas Na Dapat Mong Bantayan Upang Malaman Kung Ikaw Ay Inaatake Ng ANXIETY DISORDER (Pagkabalisa)!
Ano nga ba ang Anxiety?
Ang Anxiety o pagkabalisa ay isang pakiramdam kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng labis na takot, pag-aalala, matinding pag-iisip at tila hindi mapakali na pakiramdam. Maaari itong maging mild o severe.
Maraming tao ang nahihirapan na kontrolin ang kanilang pag-iisip. Ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pang-araw araw na buhay.
May iba't ibang klase ang Anxiety disorder tulad ng panic disoder, social anxiety disorder at phobia.
Ito ang mga sintomas na dapat niyong bantayan upang malaman kung kayo ay inaatake ng inyong anxiety:
1. Pakiramdam na laging kinakabahan
2. Palaging nagpa-panic sa maliliit na bagay
3. Hindi mapakali sa kakaisip ng problema
4. Madalas na nakakunot ang noo na tila parang malalim ang iniisip
5. Pagbilis ng tibok ng puso
6. Hirap sa pagtulog
7. Pagkawalan ng malay o biglang pagkahilo
8. Biglaang pagpalpitate ng puso
9. Pananakip ng dibdib lalo na sa mga panahong biglang maiisip ang problema
10. Walang tigil sa pagiisip ng malalim
Hindi marahil na maintindihan ang eksaktong sanhi ng Anxiety. Subalit may ilang factor na maaaring makaapekto nito tulad ng :
- overactivity ng ating isip, emotion at behavior
- genetics na maaaring nakuha natin sa ating magulang
- history ng stressful experience o trauma
Ano ang pwede mong gawin sa tuwing inaatake ka ng iyong anxiety?
1. Huminga ng malalim. Isang mabuting paraan ay ang pag inhale at exhale ng 5 minuto sa isang malawak na espasyong lugar.
2. Kumain ng masasarap na pagkain upang maiba ang iyong atensyon
3. Uminom ng tubig upang mapakalma ang sarili
4. Uminom ng tsaa dahil ito ay may calming effect
5. I-turn off ang cellphone, laptop o ano mang gadget at ipikit ang iyong mata ng 5 minuto.
6. I-practice ang meditation kung saan hahayaan mo ang iyong utak na mag-isip ng mga kalmadong bagay lamang tulad ng (beach, nature, sky o pwede ka rin mag daydream)
Kung hindi pa rin maalis sa inyong isipan ang inyong mga problema at kung madalas kayong atakihin ng anxiety disorder, magpakonsulta lamang sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng mga medikasyon na pampakalma o kaya naman mabigyan kayo ng payo kung ano ang dapat gawin.
Comments
Post a Comment