Ang UTI o Urinary Tract Infection ay madalas o kadalasang nagmumula sa bacteria. Ang normal na ihi ng tao ay walang bacteria ngunit kapag may nakapasok na bacteria o mikrobyo sa ating pantog ito ang pinagmumulan ng pagkakaroon ng UTI. Maaaring maapektuhan ang iba’t ibang bahagi ng ating urinary system tulad ng impeksiyon sa pantog, bato, at daluyan ng ihi.
Sa mga bata ay maaring sa 10 porsyento na tatamaan ng UTI ay mas kadalasan na mas marami ang mga babae kaysa sa batang lalaki. Dahil mas malapit ang daluyan ng ihi ng babae sa kanilang puwit na kung saan nanggagaling ang E.coli o Escherichia coli na matatagpuan sa dumi ng tao. Ngunit bago umaboat sa 1 taon ang mga bata ay mas madalas na nagkakaroon nito ay ang mga lalaki na kaysa sa mga babae.
Ang UTI ay madali lamang masolusyunan ng gamutan. Ngunit hindi dapat na ipagsawalang bahala lamang kapag nakitaan ng mga sintomas ang iyong anak o baby dahil maaari itong lumala na maging sanhi ng pagkasira ng bato.
Narito ang mga Sintomas ng Uti na maaaring marasan ng inyong mga anak o baby:
1. Hindi maipaliwanag na paglagnat
Para sa mga bata o baby ang pinaka-una at nagiisang sintomas na madalas o maaaring maranasan ng iyong anak kapag may UTI ay ang hindi maipaliwanag na pagkakaroon ng lagnat o sinat. Sa 5 porsyento ng mga baby na nakararanas ng pag-kalagnat ng walang ibang sintomas ay may positibong resulta na may UTI ito.
2. Madalas na pag-iyak o pagka-iritable
Kung madalas na umiiyak at hindi mapakali ang iyong baby na hindi mo maintindihan kung ano ba ang gusto o ano ang masakit sa kaniya, maaaring isa na ito sa sintomas ng UTI. Posibleng sa dalas ng pag-iyak ng baby ay nakararanas ito ng sakit o hadpi na dulot ng UTI.
3. Kakaibang amoy sa ihi
Tuwing umiihi ang iyong baby ay may naaamoy ka bang hindi maipaliwanag o kakaibang amoy sa kaniyang ihi? Maaaring isa na rin ito sa sintomas ng UTI. Kung madalas na cloudy o malabnaw ang kanyang ihi, mainam na ipatingin na ito sa doktor.
4. Pagsusuka
Kung hindi maipaliwanag ang kadahilanan kung bakit ang iyong anak ay nagsusuka o hindi rin maipinta kung ano ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang katawan at hindi ito makakain ng maayos o walang gana sa pagkain, posibilidad na ito na mga sintomas ng UTI. Mas mainam na komonsulta sa doctor upang malaman kung ano ang kalagayan ng iyong anak para sa ikagaganda ng kaniyang kalusugan.
5. Pagtatae
Sa pagkakaroon ng UTI ng iyong anak ay maaaring maranasan ang sintomas na pagtatae. Isa rin ito sa nakikitang posibilad na mayroon UTI ang bata dahil ang pagkakaroon ng infection ay maaaring maging sanhi ng pagtatae.
Bilang isang magulang, dapat ay maging aware ka sa mga ganitong bagay. Ito ay dahil mas maselanan ang mga ganitong klaseng kondisyon sa mga bata. Kaya makakabuti kung matukoy ito agad at mabigyan ng agarang lunas.
Bilang isang magulang, dapat ay maging aware ka sa mga ganitong bagay. Ito ay dahil mas maselanan ang mga ganitong klaseng kondisyon sa mga bata. Kaya makakabuti kung matukoy ito agad at mabigyan ng agarang lunas.
Comments
Post a Comment