Lahat naman tayo ay hindi perpekto. Ngunit kaya natin nagugustuhan ang isang tao ay dahil may nakikita tayong espesyal sa kanya partikular na dito ang kanyang ugali.
Pero bago magdesisyon na magpakasal sa inyong girlfriend o nobya, dapat kilatisin munang mabuti kung mayroon ba siyang ganitong mga pag-uugali. Narito at alamin at 10 klase ng babae na hindi mo dapat pinapakasalan!
1. Babaeng takot sa commitment
Ang mga babaeng takot sa commitment sa isang relasyon ay ang tipo ng mga tao na mabilis mawalan ng interes sa mga bagay-bagay. Ito ang mga klase ng mga babae na naglalaro lang sa isang relasyon. At hindi sila marunong magseryoso.
2. Makasarili
Kung ang iyong nobya ay may ganitong pag-uugali, dapat ay magdalawang isip ka na kung siya ba ng gusto mong pakasalan at makasama habang buhay. Dahil kung puro sarili lamang niya ang kanyang inuuna at iniisip, hindi magtatagal at magsasawa ka sa kanyang ugali.
3. Hindi marunong makuntento
Ang ganitong uri ng babae ay ang mga mahilig magkumpara sa iba. Kapag may nakita silang mas higit sa kung anong meron sila ay ididiin nila ang kanilang gusto. Sila ang mga tipo ng babae na gusto kang baguhin para ma-satisfy lamang ang kanilang gusto.
4. Walang galang
Ang mga babaeng hindi marunong gumalang sa kapwa ay hindi worth-it maging asawa. Unang-una, kung siya ay walang modo at bastos sa kapwa niya, hindi malayong magagawa niya rin iyon sayo at sa iyong pamilya.
5. Mahilig sa atensyon
Mayroong mga babae na likas na nakakakuha ng atensyon. Ngunit kung ang iyong nobya ay palaging naghahanap ng atensyon at napapansing sumosobra na ito, pagisipan mong mabuti kung ganitong klaseng tao nga ba ang gusto mong makasama habang buhay. Dahil ang klase ng taong ito ay kung hindi nabigyan ng pansin ay maghahanap ng ibang mapagkukuhanan ng atensyon.
6. Malandi
Sadayang may mga babaeng malalandi. At sila ang puno't dulo kung bakit nasisira ang ibang relasyon dahil mahilig silang lumandi at kumabit sa iba. Kung ang iyong nobya ay nakikipaglandian pa rin sa iba, wala siyangy respeto sayo at hiwalayan mo na!
7. Materialistic/ mahilig sa materyal na bagay
Nais mo bang makasama habang buhay ang babae na wala ng ginawa kundi magwaldas ng pera para sa mga materyal na bagay? Kung ganito lang ang iyong mapapangasawa, sigurado na pagmumulan niyo lagi ito ng away at hindi rin magtatagal ang inyong pagsasama lalo na kung hindi mo na kayang ibigay ang kanyang mga hiling.
8. Hindi marunong magdesisyon
Kahit babae ka pa, dapat ay marunong kang magdesisyon para sa iyong sarili hindi yong nakaasa ka lang palagi sa ibang tao. Kung ganito lang ang iyong mapapangasawa, malamang na iaasa niya lahat sayo.
Comments
Post a Comment