
Ang tigyawat at acne ay isa sa mga karaniwang isyu sa balat partikular na sa mukha. Minsan ito rin ang dahilan kung bakit bumababa ang self confidence ng isang tao. Marami ang rason kung bakit lumilitaw ang mga tigyawat o acne.
Maaring ito ay dahil sa:
- Pagbabago ng hormones
- Maduming mukha
- Paggamit ng skin products na hindi mo hiyang
- Stress
- Ilang pagkain
- Pagpupuyat
- Paghawak at pagtiris ng iyong mga tigyawat
Mayroong creams, lotions, facial treatments ang kung ano-ano pa para lang mabilis na matanggal ang mga tigyawat. Ngunit ang pagtiris o pagputok ng iyong tigyawat lalo na kung ito ay nasa "danger triangle" ng mukha ay napakadelikado.
Ano ba ang DANGER TRIANGLE?
Ang danger triangle o tinatawag din na "triangle of d**th" ay ang parte ng mukha na magsisimula sa pagitan ng dalawang mata pababa sa iyong ilong. Ang pagdaloy ng dugo papunta sa ilong ay espesyal kaya naman itinuring ito na pinakadelikadong parte para sa implamasyon kaya bawal tirisin ang mga tigyawat sa bahaging ito.
Narito ang 3 dahilan kung bakit hindi mo dapat tinitiris ang tigyawat sa iyong DANGER TRIANGLE:
1. Ito at masakit at delikado
Ang balat sa parte ng iyong ilong ay malambot, kaya kapag tiniris mo ang tigyawat dito ay napakasakit. Delikado rin ito dahil ito ay naglalaman ng napakaraming blood vessel na kapag nasugat ay maaaring pasukan ng bakterya at magdulot ng impeksyon.
2. Madaling makapasok ang impeksyon
Ang mga veins sa parteng ito ay palaging bukas, kaya kapag dinapuan ito ng bakterya ay madali itong makapasok sa iyong bloodstream papunta sa iyong utak. At ang malalang resulta nito ay pwedeng tapusin ang iyong buhay.
3. Pwedeng ma-intoxicate ang iyong dugo
Dahil madami ang blood vessels sa parteng ito, mayaman din ito sa blood supply. Kaya kapag tiniris mo ang tigyawat dito ay agad na makakapasok sa iyong dugo. Na maaaring magdulot ng intoxication ng iyong katawan at iba pang seryosong karamdaman.
Ito ang mga dapat mong gawin upang maiwasan ang tigyawat at mapigilan ang pagdami nito
1. Ugaliing hugasan ang mukha bago matulog
2. Iwasan ang pagtiris, paputok, at paghawak ng iyong mukha gamit ang maruming kamay
3. Magkaroon ng sapat na tulog
4. Limitahin ang paggamit ng make-up
5. Huwag nang gagamit ng matatapang na beauty products
6. Palitan ang mga sapin ng unan kada linggo upang maiwasan ang pagipon ng bakterya
7. Kung lumalala ang iyong mga tigyawat, ikonsulta na ito sa isang dermatologist
Comments
Post a Comment