Skip to main content

Narito Ang Mga Senyales Na Gusto Ka Nang Yayaing Magpakasal Ng Iyong Kasintahan!



Isang napaka-espesyal na moment kapag niyaya ka nang magpakasal ng iyong kasintahan. Isa itong desisyon na pang-habambuhay kasama ang iyong taong pinakamamahal. Ito ang moment na kung saan papasukin ninyo ang ikalawang yugto ng inyong pagsasama at gagawa ng inyong sariling pamilya.

Kung ang iyong kasintahan ay pinaparamdam na ang mga senyales na ito, maging handa ka na at baka kahit anong oras ay itanong na niya ang matamis na katanungang, "Will You Marry Me?"

Narito ang mga senyales na malapit ka nang aluking magpakasal!

1. Madalas na pag-usapan ang inyong future

Kapag ang isang lalaki ay open sa pag-uusap tungkol sa inyong kinabukasan, malamang ikaw na ang gusto niyang makasama habang buhay. Kaya kung madalas niyang banggitin ito sa iyo, maaaring inaalam din niya kung handa ka na bang pakasalan siya. 

2. Palagi ka niyang isinasama sa mga okasyon ng kanilang pamilya

Kapag ipinakilala ka niya sa kanyang pamilya, ibig sabihin ay espesyal ka para sa kanya. At gusto niya na makilala mo ang mga taong malapit sa kanya. Ngunit isang senyales na malapit ka na niyang aluking magpakasal kapag palagi ka niyang isinasama sa okasyon ng kanilang pamilya.

3. Pinag-uusapan niyo na kung ilan ang gusto niyong maging anak

Ang pagbuo ng sariling pamilya ay isang napakabigat na desisyon dahil hindi lang ang mga sarili ninyo ang inyong iisipin pati na rin ang buhay na ibibigay ninyo sa inyong magiging mga anak. Kung sabik siyang pinag-uusapan ang isyung ito, maaaring handa na siya na maging ama at yayain ka ng maging asawa niya!

4. Paggamit ng salitang "tayo" kaysa "ako" 

Sa sakramento ng kasal, walang salitang "ako" lang . Ang dalawang taong nagmamahalan ay pinagbubuklod upang maging isa. Kung ang pagtukoy niya sa inyong dalawa ay iisa at hindi indibidwal, malamang handa na siyang makasama ka habang buhay.

5. May pinag-iipunan siya

Kapag may pinag-ipunan at nagtitipid siya, maaaring pinaghahandaan na niya ang magiging marriage proposal niya sayo.

6. Interesado siyang malaman ang sukat ng iyong daliri

Upang mabili niya ang perfect engagement ring para sa kanyang marriage proposal sayo, interesado siyang malamn ang sukat ng iyong daliri. Aalamin niya sukat ng iyong alahas upang maging basehan sa pagpili ng singsing. 

7. Nagpaplano ng bakasyon na kayong dalawa lamang

Kapag nagplano siya ng isang bakasyon sa isang lugar o sa malayong lugar para sa inyong dalawa na hindi naman niya normal na ginagawa. Baka doon niya planong mag-propose sa yo.


Ilan lamang ito sa mga maaaring senyales na gusto ka nang pakasalan ng iyong kasintahan. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay applicable ito. Minsan ang pagpaparamdam niya ng mga senyales na ito ay patunay lang na talagang mahal ka niya at espesyal ka sa kanya. 

Kaya huwag mag-apura at darating din ang tamang oras kung kailan na kayo parehong handa. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-