Napakadali nga naman ang paggamit ng Microwave para sa atin dahil isa ilang minuto lamang ay mainit na agad ang ating pagkain. Subalit alam niyo ba na mayroong mga kagamitan o pagkain na hindi pwedeng ilagaya sa loob nito dahil maaari itong makaapekto sa ating kalusugan?
Narito ang Pitong bagay na hindi ninyo dapat ilagay sa loob ng Microwave:
1. Chili Pepper
Bawal itong ilagay sa loob ng microwave at painitin dahil maaari itong magsimula ng sunog. Ang sobrang init sa loob ng microwave ay makakapagpa release ng kemikal ng chili pepper. Maaari rin maapektuhan ang inyong mata kapag ito ay inyong binuksan dahil sa hapdi nito sa mata kagaya ng pepper spray.
2. Frozen meat
Hindi dapat nagpapainit sa microwave ng karne na galing sa freezer lalo na pag ito ay frozen pa dahil hindi kaya ng microwave na lutuin ang loob ng karne. Kaya pag ito ay nakain ng hilaw, posible itong magdulot ng bakterya sa tyan at food poisoning.
3. Paper Bags
Ang paglagay ng brown bags o paper bags sa loob ng microwave ay hindi inirerekomenda dahil mayroon itong manipis na plastic sa loob upang hindi mapunit ang brown bag. Kaya pag ito ay pinainit ay maaaring matunaw ang plastic na nakadikit dito at makapagsimula ito ng sunog.
4. Pagkain na nakabalot sa Aluminum foil
Ang paglagay ng aluminum foil ay posibleng makapagsimula ng sunog dahil ang electromagnetic field sa loob ng microwave ay maaaring makapagsanhi ng sparks na posibleng pagsimulan ng sunog.
5. Eggs
Huwag ninyong iluto ang itlog sa loob nito lalo na itlog na may shell dahil ito ay maaaring sumabog sa loob kapag nasobrahan ito sa init.
6. Butter containers
Ang mga butter na nakalagay sa mga plastic containers ay hindi rin pwedeng ilagay dito dahil maaaring makapag release ito ng kemikal sa inyong pagkain kapag nainitan.
7. Sauce without cover
Posibleng kumalat ang sauce na walang takip kapag ito ay pinainit sa microwave dahil maaari itong sumabog sa sobrang init.
Comments
Post a Comment