
Ang kape ay isa sa mga paboritong inumin ng mga Pilipino lalo na kung umaga dahil ito ang kanilang pampagising. Ngunit alam niyo ba na ang kape ay hindi lang magagamit bilang isang inumin? Sa katunayan, ay napakarami pa nitong pwedeng paggamitan.
Narito at alamin ang mga life ha cks na ito gamit ang kape!
1. Skin exfoliator
Dahil ang texture ng dinurog na kape ay medyo magaspang, maaari itong gamitin bilang isang natural skin exfoliator. Nakakatulong ito pang matanggal ang mga d*** skin cells sa balat. Iprepare ito gamit ang pinaghalong coffee grounds at olive oil. Gamiting ang scrub na ito sa iyong katawan 1-2 beses sa isang linggo.
2. Facial mask
Bukod sa body scrub ay maaari din itong gamiting bilang face mask. Mayroon itong anti-wrinkle effect dahil sa taglay nitong antioxidant properties. Gamit ang dinurog na kape, iapply lamang ito sa iyong mukha sa loob ng 15-30 minutes bago banlawan. Mararamdamang mas fresh ang iyong balat.
3. Pantanggal ng amoy sa balat/ hand deodorizer
Sadyang may mga bagay na kapag nahawakan mo ay didikit ang amoy nito sa iyong balat gaya nalang ng sibuyas at bawang. Upang madaling matanggal ang amoy nito, ikuskos lang ang coffee grounds sa iyong mga kamay at hugasan.
4. Pampaganda ng buhok
Ang kape ay napakaraming gamit bilang isang beauty regimen. Pwede rin itong gamitin bilang hair treatment at nakakatulong upang tumubo ang buhok at maging malambot ito. I-brew ang kape. Hayaan muna itong lumamig sa isang tabi bago iapply sa iyong buong ulo. Imassage sa buhok gamit ang sirkular na mosyon. Iwanan sa loob ng 20 minutes bago banlawan.
5. Panlinis at pampakintab ng mga furnitures
Bago itapon ang mga coffee grounds na ginamit sa pag-brew, itabi ang mga ito ay palamigin sa isang tabi. Gamit ang isang cotton cloth, ikuskos ang mga ito sa iyong wooden furniture. Napapakintab nito ang iyong furniture at mas mangangamoy na malinis at mabango.
6. Air freshener
Sadyang napakabango ng kape. Kaya kung mayroong di kaaya-ayang amoy sa inyong bahay o kwarto, maglagay lamang ng coffee beans sa isang malinis na stockings at isabit ito upang ma-difuse ang amoy ng kape. Maaari rin itong ilagay sa kabinet o sasakyan na may kulob ang amoy.
7. Pansangkap sa mga lutuin
Ang kape ay ginagamit din bilang pandagdag lasa sa mga lutuin gaya ng mga tinapay, cakes, at iba pang desserts.
Comments
Post a Comment