Skip to main content

10 Bagay Sa Inyong Bahay Na Hindi Mo Inaasahang NapakaDUMI Pala!

Isa ka ba sa mga tao na araw-araw o linggo linggong naglilinis ng kanilang mga bahay? At kung sa iyong paglilinis ay kasama ang pagpupunas, pagwawalis, at paglalampaso tiyak na mayroon paring mga bagay-bagay sa inyong tahanan na hindi nalilinisan ng maigi.

Narito at alamin ang mga bagay na ito na kung saan nagtatago ang dumi!

1. Aircon filter

Kahit na walang masyadong nakapasok na alikabok tuwing ikaw ay gagamit ng aircon, ang filter naman nito ang sumisipsip ng milyong milyong alikabok. Ugaliing linisin ng madalas ang aircon filter at magsagawa ng aircon cleaning kada 2-3 buwan upang matanggal ang mga nanunuot na dumi sa loob.

2. Door knobs

Maniwala ka man o sa hindi, ang mga doorknobs sa iyong bahay ay pwedeng pamugaran ng mikrobyo na pwedeng ma-transmit sa inyong bahay. Ito ay dahil iba-ibang kamay ang nakakahawak sa mga ito. Kaya makakabuti kung idisinfect din ito.

3. Blinds

Isa rin sa mga hindi napapansing bagay na hindi nalilinisan ng maigi ang mga window blinds. Gaya ng kurtina, ang mga ito ay kinakapitan ng alikabok na kapag nalanghap ay masama sa kalusugan. 

4. Ilalim ng sofa cushions

Ang ilalim ng inyong mga sofa cushions ay isa sa mga bagay sa inyong bahay na pinamumugaran ng dumi, alikabok, at kung ano-ano pang debris. Dahil ito ay tago, hindi natin agad na napapansin na madumi na pala ito. Kaya makakabuti kung ivacuum ito kada buwan.

5. Trash cans

Dahil dito natin tinatapon ang ating mga basura kaya naman kasali ito sa mga pinakamaruming bagay sa loob ng bahay. Upang mapanatiling germ-free ang inyong bahay, dapat ay iniiscrub at nililisan din ang inyong mga trash cans gamit ang sabon at mainit na tubig. Pagkatapos ay isprayan ito ng disinfectant. 

6. Light Bulbs

Ang mga ilaw o light bulbs sa inyong tahanan ay maaari ring lugar na kung saan naiipon ang dumi. Upang malinisan ang mga ito, i-off muna ang ilaw at hayaan muna itong lumamig. Saka punasan ng malinis at tuyong basahan.

7. Stove

Kapag nagluluto, hindi maiiwasan ang may tumapon o tumalsik na pagkain. At minsan hindi ito nalilinisang maigi. Kaya naman ugaliing linisin ang stove pati na rin ang ilalim nito upang hindi pamahayan ng mikrobyo.

8. Likuran ng inyong toilet

Siguro ay madalas kang naglilinis ng inyong CR. Ngunit natitiyak mo ba na pati ang likuran ng inyong toilet bowl ay nalilinisan mo ng mabuti? Dahil ang likod nito ay pwedeng pamugaran ng molds.

9. Electric fan blades

Gaya ng aircon filter, dapat din ay nililinisan palagi ang blades ng inyong electric fan dahil madali itong kapitan ng alikabok. Isa ring paraan upang makatipid sa kuryente ay kapag malinis ang inyong electric fan dahil mas mahina ang consumo ng kuryente nito. 

10. Pillows

Ang mga unan ay maaaring mangolekta ng dumi, pawis, at pati mga bed bugs. Dapay ay labhan gamit ang sabon at mainit na tubig ang mga unan kada anim na buwan. Maaari ring ibilad ng matagal ito sa araw pang matanggal ang mga nanunuot na bakterya.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-