Ang pagkakaroon ng baradong ilong ay talagang hindi komportable sa pakiramdam. Dahil bukod sa hindi ka makahinga ng maayos ay maaari pang manuyo ang iyong bibig dahil dito ka lang makakahinga.
Ang baradong ilong ay sanhi ng pagiging inflammed ng mga blood vessels sa iyong mga sinuses na maaaring dulot ng allergies, colds, at mucus buildup. Kaya upang guminhawa ang iyong paghinga, narito ang mga simpleng paraan upang matanggal ang baradong ilong.
1. Maligo sa hot shower
Ang pagligo sa hot shower ay nakakatulong upang mabawasan ang nasal congestion. Ang steam ay nakakatulong upang ma-drain ang sipon at ma-improve ang paghinga. Ngunit ang paraang ito ay nakakapagbigay lamang ng panandaliang ginhawa.
2. Paglanghap ng steam
Gaya ng hot shower, ang paglanghap ng steam o steam inhalation ay nakakatulong upang mailabas ang sipon at lumuwag ang paghinga. Nagpapanatili rin itong moist ang mga sinuses at pinapawala ang pamamaga nito.
Maglagay lang ng mainit na tubig sa isang palanggana. Maaaring magpatak ng eucalyptus oil o peppermint upang maging relaxing. Takpan ang ulo habang nakatutok ang mukha sa palanggana. Singhutin ang steam nang ilang minuto.
3. Warm compress
Isa ring simpleng paraan upang mas madaling lumabas ang sipon ay ang paglalagay ng warm compress sa iyong ilong. Nakakatulong din ito na mabawasan ang implamasyon sa mga sinuses. Ibabad lang ang bimpo sa mainit na tubig. Pigain ang sobrang tubig. Saka itapal ang bimpo sa ilong.
4. Apple cider vinegar
Ang mataas na potassium content ay nakakatulong sa pagpapabawas ng sipon na dahilan ng baradong ilong. Ang acetic acid rin nito ay nakakapagpaiwas sa pagdami ng bakterya. Maghalo lang ng 2 kutsara ng apple cider vinegar at 1 kutsara ng honey sa isang tasang tubig. Inumin ito 2 beses sa isang araw.
5. Massage therapy
Nakakatulong upang maimprove ang paghinga sa pamamagitan ng pagmasahe ng iyong nose bridge. Gamit ang iyong daliri, mag-apply lang ng simpleng pressure at imasahe ng paikot sa loob ng 20 segundo.
Comments
Post a Comment