Ang cholesterol ay kailangan ng iyong katawan, ngunit kapag sumobra ka sa mga fatty substances na ito ay malalagay sa peligro ang iyong buhay dahil maaari itong magdulot ng atake sa puso, stroke, at iba pang komplikasyon sa puso.
Sinasabi na mayroon iilang rason kung bakit tumataas ang cholesterol ng isang tao. Karamihan sa mga taong mayroon nito ay dahil namana nila, maaari rin dahil sa lifestyle at pagiging overweight. Ang fats sa katawan ay maaaring mabuo sa iyong waistline at maging sa loob ng iyong mga ugat.
Kaya kung pinoproblema mo kung paano mo papababain ang iyong cholesterol, narito ang mga natural na paraan na maaari mong subukan!
1. Magsimulang kumain lamang ng healthy foods
Kung isa ka sa mga taong mahilig sa mga pagkain sa fastfood gaya ng french fries, pizza, hamburgers, fried foods, etc. ay dapat mo nang iwasan ito kung talagang gusto mong bumaba ang iyong cholesterol. Dahil ang mga pagkaing ito ay naglalaman ng mga 'bad' cholesterol na sa katagalan ay nakakasama sa kalusugan.
2. Kumain ng pagkaing mayaman sa omega-3
Ang mga omega-3 fatty acids ay hindi kabilang sa mga bad cholesterol. Sa halip nakakatulong ang mga ito na pababain ang iyong presyon at nakakaganda sa kalusugan ng puso. Isama ang mga pagkaing mayaman sa omega-3 sa iyong diet partikular na ang mga salmon, mackerel, soya, at tuna.
3. Dagdagan ang iyong physical activities
Ang pag-eehersisyo araw araw ay isa ng magandang halimbawa ng physical activity. Nakakatulong ito na pataasin ang mga high-density lipoprotein (HDL) sa iyong katawan o mas kilala bilang 'good cholesterol. Maaaring magwalking, jogging, o maglaro ng iyong paboritong sports upang maiwasan ang pagiging obese.
4. Iwasan na ang paninig*rilyo
Ang sig*rilyo ay nakakapag-patigas ng mga plaque sa iyong mga arteries na siyang maaaring magdulot ng pagsak!t ng dibdib, atake, o stroke. Kapag itinigil ang paninig*rilyo sa loob ng tatlong buwan, magiimprove ang iyong lungs pati ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
5. Magbawas ng timbang
Ang pagiging overweight at obese ay isang dahilan ng pagtaas ng cholesterol. Kaya makakabuti na magbawas ng timbang upang mabawasan din ang tiyansang tumaas ang iyong cholesterol. Magdiet at kontrolin ang mga kinakain.
6. Kumain ng avocado
Ang prutas na avocado ay walang nilalamang cholesterol. Ang taglay nitong polyunsaturated at monounsaturated fats ay nakakatulong pababain ang cholesterol levels sa iyong katawan, kaya naman ang prutas na ito ay isang heart-healthy food. Mayaman din ito sa bitamina, mineral, fiber, at compounds na nakakapigil sa pag-absorb ng cholesterol sa katawan.
Comments
Post a Comment