Skip to main content

6 Pagkain Na Hindi Dapat Kainin Sa Agahan Kapag Wala Pang Laman Ang Iyong Tiyan!



Ayon sa kasabihan, "breakfast is the most important meal of the day." Ang agahan daw ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw dahil dito kukuha ang iyong katawan ng nutrisyon at enerhiya para sa buong araw.

Ngunit minsan gawa ng pagiging busy sa umaga, ang iba ay hindi na kumakain o minsan ay kakain na lamang ng pagkaing madaling kainin gaya ng tinapay o kaya naman ay iinom na lamang ng kape. Ayon sa mga pag-aaral, mayroon pa lang mga pagkain na hindi mo dapat kinakain sa agahan kapag wala pang laman ang iyong tiyan dahil maaaring makaantala sa iyong digestive system. Narito at alamin ang mga ito!

1. Citrus fruits

Ang mga citrus fruits gaya ng dalandan, oranges, at lemons ay hindi dapat kinakain sa umaga kapag wala pang laman ang iyong tiyan dahil pwedeng mangasim ang iyong sikmura sa taas ng acid ng mga ito. Pwede ring magdulot ang mga ito ng heartburn at mauwi sa pagkakaroon ng gastritis sa kalaunan. 

2. Saging

Alam naman natin na napaka-healthy ng saging. Ngunit paalala lamang na hindi mo dapat ito kainin sa umaga kapag wala pang laman ang iyong tiyan. Dahil ang mataas na magnesium content nito ay maaaring makapagdulot ng panganib sa iyong puso. Maaari itong kainin pagkatapos kumain ng almusal.

3. Yogurt

Ang pagkain ng yogurt ay nakakatulong sa maayos na digestion. Ngunit kapag kinain mo ito unang-una sa umaga ay hindi mo nama-maximize ang benefits nito. Mas mainam na kainin ito sa gabi o pagkatapos mong kumain ng isang meal.


4. Pears /Peras

Ang peras ay mahirap ma-digest lalo na kapag kinain mo ito na wala pang laman ang iyong tiyan. Naglalaman ito ng matigas na fibers na pwedeng makapagdulot ng damage sa mucous lining ng iyong tiyan.

5. Maanghang na pagkain

Ang pagkain ng maanghang na pagkain unang-una sa umaga ay nakakapagdulot ng pagdami ng produksyon ng gastric juice na kapag walang laman ang iyong tiyan ay pwedeng makasira sa stomach linings at makapagdulot ng gastritis. 

6. Kape

Karamihan sa mga tao ay mahilig silang uminom ng kape sa umaga bilang pampagising. Ngunit importanteng malaman na kapag ininom ito ng wala pang kinakain ay maaaring makapagdulot ng panganib sa iyong gastrointestinal tract. Tumataas ang produksyon ng gastric juice sa katawan at pwedeng gawing acidic ang iyong tiyan.

Kaya importante na kumain muna ng healthy breakfast bago kainin ang mga nabanggit na pagkain upang maiwasan ang anumang komplikasyon sa katawan. 


Comments

  1. Ano b yon sabi ng doctor OK inomin ang lemon WD warm water sa umaga ano b tlga pniwalaan namin?

    ReplyDelete
  2. ang yoghurt pag wla ka pang kain maganda yan sa sikmura at saka saging....yan ang ni recomend sa akin ng doctor ko especialist gastronologist doctor un...the rest oo tama bawal inumin lalo n walan laman ng tiyan natin.
    ...PS..after kain ng sgot or yughurt pwedi nng kakainan ng normal meals 5 0r 15 minutes.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

10 Malungkot Na Senyales Na Nagpapakita Na Hindi Ka Na Niya Mahal

Ang relasyon masaya yan lalo na kung mahal ninyo ang isa't isa. Ngunit dapat ka din maging handa sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa inyong relasyon. Alamin ang mga senyales na nagbabago na ang pagtingin ng iyong kapareha sa iyo. Kung mas maaga mong nalaman at natanggap na hindi ka na niya mahal, mas maaga kang makakawala at makaka-move on sa pag-ibig na iyon. Ang unang hakbang ay dapat makita at matanggap mo ang mga senyales na hindi ka na niya mahal. 1. Hindi na siya gaanong nagsasalita at nag-oopen up sayo Sa isang relasyon kailangan ang komunikasyon upang mas tumatag ang relasyon magkalapit man kayo o magkalayo. Kung sa pakiramdam mo ay lumalayo na ng loob niya sayo at hindi na nagsasabi ng problema o di kaya ay nagkukwento maaaring may problemang namamagitan sa inyong dalawa. 2. Nawalan na siya ng interes Naaalala mo pa ba yung mga panahon na kahit sa maliliit na bagay lang ay pinupuri ka niya. Aayain kang manood ng sine o kaya kumain sa labas. Ku

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n