
Ang pagkakaroon ng hika o tinawag din na asthma ay napakahirap. Dahil nagdudulot ito ng kahirapan sa paghinga dahil ng pagbara ng air flow sa baga o lungs. Ito ay maaaring dulot ng allergies, polusyon sa hangin, pagbabago sa panahon, imp*ksyon sa baga o airways, ibang pagkain, at ibang medikasyon.
Ang pagkakaroon ng hika ay maaaring maging delikado sa kalusugan lalo na kapag pinabayaan. Maliban sa medikasyon, mayroon ding mga natural at home remedies upang malabanan ang asthma.
1. Eucalyptus Oil
Ang essential oil ng eucalyptus ay matagal ng ginagamit kahit pa noong unang panahon. Dahil ang paglanghap ng vapor nito ay nakakatulong sa mga taong nakakaranas ng hika. Magpatak ng eucalyptus oil sa isang palangganang may lamang mainit na tubig at langhapin ang steam nito. Nakakatulong ito na buksan ang nasal blockage upang makahinga ng maayos.
2. Honey
Kadalasan, ang honey ay kilalang ginagamit ng mga taong may ubo. Ngunit maaari rin itong gamitin ng mga taong may kahirapan sa paghinga dahil nakakatulong ito na alisin ang plema sa iyong lalamunan upang makatulog at makahinga ng maayos.
- Maghalo ng isang kutsaritang honey sa isang basong maligamgam na tubig
- Inumin ito 3 beses sa isang araw
3. Turmeric
Ang turmeric ay nagtataglay ng curcumin isang sangkap na nakakatulong sa mayroong hika. Nakakatululong ito na bawasan ang implamasyon sa iyong airways. Isa rin itong mabisang antimicrobial agent. Maghalo ng turmeric powder sa isang tasang may mainit na tubig saka inumin na parang tsaa.
4. Kape
Ang paginom ng mainit na kape ay nakatulong sa mas maayos na paghinga ng taong may hika. Dahil ang caffeine na taglay ng kape ay isang bronchodilator at binubuksan nito ang mga baradong airways. Ngunit huwag lang sosobra ang paginom sa tatlong tasang kape kada araw.
5. Deep Breathing
Ito ay maaaring challenging sa taong nakakaranas ng asthma attack, ngunit ito ay benepisyal. Nakakatulong ito na maiwasan ang hyperventilation o ang hindi makahinga ng maayos. Epektibo rin ito na panatilihin kang kalmado at relaxed.
6. Umupo ng diretso
Ang pag-upo ng diretso ay nakakatulong na i-open up ang air passageway para makahinga ka ng maayos. Huwag humiga dahil mas mahihirapan lang ang iyong paghinga.
Comments
Post a Comment