Ang bad breath ay isa sa mga dental hygiene problems na hindi dapat binabalewala. Dahil ang pagiging bad breath ay nakakapagpababa ng self confidence at nakakahiya. Dahil ang pagkakaroon nito ay isang malaking turn-off sa iyong kausap.
Minsan hindi sapat ang pagsesepilyo lang upang matanggal ang mabahong hininga dahil kung patuloy mong ginagawa ang mga bagay na nakakapagdulot ng bad breath ay talagang magiging laging mabaho ang iyong hininga.
1. Palaging uminom ng tubig
Ang sapat na paginom ng tubig ay nakakatulong upang ma-istimulate ang iyong laway upang maiwasan ang dehyrdration na kadalasan isa sa mga rason ng pagkakaroon ng bad breath. Ugaliing uminom ng kahit pakonti-konting tubig buong araw.
2. Bawasan ang paginom ng kape
Ang caffeine sa kape ay nakakapagpabagal ng saliva production na nagdudulot ng dry mouth. Ito rin ay nagiiwan ng amoy sa bibig na kapag tumagal ay bumabaho. Mainam subukan ang green tea para maneutralize ang amoy ng bibig.
3. Linisin ang iyong pustiso
Para sa mga taong nagsusuot ng pustiso, dapat lang na linisin din ang mga ito kapag ikaw ay nagsesepilyo. Dahil nagkakaroon din ito ng bacterial buildup sa mga pagkaing kinakain. Tratuhin ito na parang iyong mga orihinal na ngipin na nangangailangan din ng pangangalaga.
4. Mag-floss pagkatapos kumain
Gaya nga ng nasabi, hindi sapat ang pagsesepilyo lang. Dahil ang mga food debris ay maaaring sumiksik sa mga gilid ng ngipin at kapag hindi ito natanggal ay maaari itong mabulok na dahilan ng pagiging bad breath. Kaya bago magsepilyo ay mag-floss muna ng ngipin.
5. Palitan ang toothbrush kada 3 buwan
Ang lumang toothbrush ay pwedeng pamahayan ng mga bakterya na pwedeng kumalat din sa iyong bibig. Kapag ikaw ay nagkaroon ng flu, mainam na magpalit agad ng toothbrush upang hindi na kumalat at bumalik ang mga mikrobyong dumapo sa iyong katawan.
6. Huwag kalilimutang linisin ang dila
Ang maruming dila ang isa rin sa mga dahilan ng pagiging bad breath. Dahil parte ito ng iyong oral cavity, dapat ay linisin din ito sa tuwing ikaw ay magsesepilyo. Maaaring gumamit ng tongue scraper upang matanggal ang mga natuyong laway at pagkain.
7. Maging aware sa mga tonsil stones
Ang mga tonsil stones ay ang mga maliliit na butil na nakadikit sa iyong mga tonsils o likod ng lalamunan. Ito ay parang mga puti o yellowish na butil na napakabaho dahil pinaghalo itong debris ng pagkain at bakterya. Upang maiwasan ang pagkakaroon nito, siguraduhing bisitahin ang inyong dentista ng regular.
Comments
Post a Comment