Skip to main content

7 Karaniwang Dahilan Kung Bakit Nakakaranas Ka Ng Pamumulikat Ng Paa

Sigurado na may punto sa iyong buhay kung saan nakaranas ka na lamang ng biglang pamumulikat ng paa o tinatawag din na leg cramps. Ang pulikat ay nangyayari ng hindi inaasahan at biglaan kahit na ikaw pa ay natutulog na. 

Minsan ang s^kit na dulot nito ay napakatindi at aabot sa puntong hindi mo maigalaw ang iyong paa dahil parang naninigas ang iyong mga kalamnan. Narito ang mga common na dahilan kung bakit nararanasan mo ito at kung papaano mo ito maiiwasang mangyari ulit.

1. Maling sapatos

Ang pagsusuot ng masikip na sapatos ay maaaring makaantala sa tamang sirkulasyon ng dug0 sa iyong mga paa kaya naman isa ito sa mga rason kung bakit namumulikat ang iyong mga paa. Isa rin ang pagsusuot ng mga high heels o sapatos na may mataas na takong. Maaaring magpalit ng mas mababang takong na sapatos o flat shoes pagkatapos ng araw.

2. Hindi ka nagwa-warm up bago magehersisyo

Ang pagwa-warm up bago magsagawa ng ehersisyo ay kailangan. Ang pag-stretch sa iyong muscles ay nakakatulong upang hindi ito mabigla kapag ikaw ay nag-exercise na. Nakakatulong din itong mabawasan ang mga spasms.

3. Sprain

Ang sprain ay isang injury na dulot ng pagkakapalipit ng joint o muscle. Sa kasamaang palad, posible itong mangyari nang hindi inaasahan. Minsan ang pagkakatapilok ay nakakapagdulot din ng sprain sa paa. Kaya mas mabuti kung ipacheck up ito agad sa doktor.

4. Maling posisyon sa pagtulog

Ang pulikat sa gabi o tinatawag din na nocturnal toe cramps ay nangyayari kapag mali ang iyong posture. Sa katunayan, 60% ng mga adults ay nakakaranas nito dahil sa maling posisyon ng pagtulog. Makakabuti na matulog ng patagilid upang maiwasan ang pulikat sa gabi.

5. Kakulangan sa tubig

Ang pagiging dehydrated ay nakakaapekto sa sirkulasyon ng dug0. At kapag ang katawan ay may mahinang sirkulasyon makakaranas ito ng muscles spasms at pamumulikat. Kaya nirerekomenda na uminom ng 6-8 basong tubig araw araw.

6. Kakulangan sa bitamina

May mga importanteng bitamina gaya ng potassium, magnesium at vitamin D na kailangan ng ating katawan para sa muscle contraction. Sa gayon, ang kakulangan sa mga bitaminang ito ang nakakapagdulot ng pamumulikat ng paa.

7. Pagtanda

Ang paraan ng pagtanda ng tao ay naiiba-iba. Maaaring ang iba ang hindi nakakaranas nito, ngunit sa iba ay nararanasan ito. Kaya makakabuti na habang tumatanda ay pinapanatiling malusog ang katawan pati na rin ang panloob nito. 
Mga simpleng paraan upang mawala ang pamumulikat

1. Irelax ang mga binti at paa
2. Mag-stretching
3. Ielevate ang mga paa pagkatapos tumayo ng matagal
4. Uminom ng sapat na tubig
5. Imasahe ng dahan dahan ang mga paa upang mastimulate ang sirkulasyon
6. Kumain ng healthy na pagkain

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-