
Ang mayonnaise ay isang produktong gawa sa soybean oil, itlog, tubig, suka, asin, at kaunting asukal. Kadalasang ginagamit ang ito bilang palaman sa tinapay o nilalagay sa mga salad dressings. Maaari rin itong ilagay sa scrambled eggs upang mas 'fluffy' ang texture nito.
Ngunit bukod sa gamit ng mayonnaise bilang pagkain, ay mayroon pa pala itong kakaibang pwedeng paggamitan na hindi alam ng nakakarami. Narito at alamin ninyo!
1. Pantanggal ng bubble gum na dumikit sa buhok
Talagang mapapaisip ka kung paano tanggalin ang dumikit na bubble gum sa buhok. Ang iba, ang akala nila ay ang paggupit ng buhok ang solusyon. Ngunit maisasalba mo pa ito sa pamamagitan ng pagpahid ng mayonnaise sa bubble gum na dumikit hanggang dahan dahang ipadulas ito upang matanggal.
2. Pampalambot ng buhok
Ang mayonnaise ay maaaring gawing parang conditioner sa buhok upang lumambot ito. Nakakatulong itong imoisturize ang buhok. Matapos magshampoo at magbanlaw, ipahid lang ang mayonnaise sa buhok at imasahe. Hayaan sa loob ng 30 minuto bago banlawan.
3. Pampalambot ng cuticle at pampatibay ng kuko
Bago magpamanicure, lagyan muna ng mayonnaise ang iyong mga kuko. Dahil ang mayo ay nagtataglay ng mga proteins na nakakatulong magpatibay ng kuko, at ang oils nito ay nakakatulong upang mapalambot ang mga cuticles.
4. Pantanggal ng water stains sa mga kahoy na furniture
Ang mga puti-puting water stains sa mga furniture na kahoy ay mahirap tanggalin. Dahil kapag ginamitan mo ito ng tubig o kemikal, maaaring mamuti ang iyong furniture. Upang maiwasan ito, gumamit ng mayonnaise. Ipahid lang ito sa mga water stains at saka punasan ng tuyong basahan.
5. Pantanggal ng sing-sing na na-istuck sa iyong daliri
Kapag ang sing-sing ay masikip sa daliri, maaari itong ma-istuck at mahirap tanggalin. Ngunit huwag magpanic, dahil matatanggal mo ito sa pamamagitan ng pagpapadulas gamit ang mayo. Magpahid ng mayo sa paligid ng daliri kung saan nagbara ang sing-sing. Galaw-galawin ito at dahang dahang ipadulas upang matanggal sa daliri.
6. Pampakintab ng silver
Mayroon ka bang kagamitang gawa sa silver. Ang mayo ay maaaring gamitin panlinis sa mga ito upang mas umangat ang kintab nito.
7. Pangmoisturize ng balat
Dahil ang mayo ay nagtataglay ng mga oils, makakatulong ito sa natutuyong balat. Ipahid lamang ito sa apektadong parte at saka iwanan sa loob ng 30 minuto bago punasan o hugasan.
8. Pampakintab ng mga dahon
Mayroon ka bang halaman sa loob ng inyong bahay? Sa katagalan, nawawala ang kintab ng mga dahon nito. Upang mabalik ang shine nito, gamit ang tissue i-rub lamang ang mayo sa mga dahon upang bumalik ang kintab.
Comments
Post a Comment