Nakararanas ka ba ngayon ng pananakit ng lalamunan at kabigatan ng katawan? Ang artikulong ito ay makapagbibigay ng kaalaman para sa iyo. Kaya basahin ang nilalaman at tiyak na matutulungan ka na maiwaksi ang iyong nararamdaman.
Karaniwan na sa mga Pinoy ang paggawa ng calamansi juice kapag tinamaan ng ubo, lagnat at flu. Maraming benepisyo ang maihahatid ng calamansi juice at lalo na kapag ito ay nadagdagan pa ang honey, tiyak na makatutulong ng lubos sa iyong masamang pakiramdam.
Ang calamansi at honey ay mayaman sa mapagkukuhanan ng vitamin C. Naglalaman rin ng vitamin B, phosphorus, calcium at iron na kailangan ng ating katawan para sa malusog na sistema. Tinutulungan din nitong linisan ang bato at nakapagbabawas ng kolesterol sa katawan. Sa pamamagitan ng pag inom ng calamansi juice at honey ay may hatid na nakakapagpaginhawa ng katawan. Ito ay mabisang panggamot sa ubo, sipon at lagnat.
Narito ang mga benepisyong makukuha mula sa calamnsi juice at honey:
1. Nakakapagpagaling ng ubo, sipon, lagnat, at flu
2. Natutulungan na maging maayos ang paggana at pagtunaw ng digestive system
3. Napapabilis ang proseso ng pagtanggal ng mga dumi sa katawan
4. Pinipigilan ang problema sa hindi pagdumi at pagtatae
5. Mayaman sa Bitamina C
6. Nagbibigay ng maganda at makinis na balat
7. Paghandang paraan para sa mabilis na pagpapayat
8. inutulungang mapalakas ang immune system
9. Pinoprotektahan ang katawan laban sa imp*ksyon
10. Maganda para sa buntis upang makakatulong makapagpalakas ng immune system ng ina.
Paano gawin ang calamansi juice at honey?
1. Bumili ng calamansi at honey sa mga tindahan
2. Humiwa ng limang piraso ng calamansi
3. Kapag nahiwa na ang calamasi, pigain ito para makuha ang katas at ilagay sa isang baso
4. Alisin ang mga buto na sumama sa pagpiga sa calamansi
5. Haluan mo ito ng isang isa hanggang dalawang basong tubig. Mas mainam kung maligamgam ang tubig na iinumin
6. Dagdagan ng dalawa hanggang tatlong kutsarang honey at ihalo
7. Kapag naihalo na ng mabuti at naghalo na ang lasa ng honey at calamansi ay maaari mo na itong inumin. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw. Para sa mas mabilis na resulta, inumin ito araw-araw upang mas guminhawa ang pakiramdam.
Comments
Post a Comment