Kapag nagkakasakit ang mga anak ay hindi maalis ang pangamba ng mga magulang, lalo na sa mga ina. Isa ka ba sa mga magulang na nangangamba dahil sa pag-uubo ng iyong anak na may kasamang plema? May magandang solusyon para diyan. Ang patuloy na pagbabasa sa artikulong ito ay hindi ikakasayang ng iyong oras dahil mabibigyan ka ng kaalaman kung paano masosolusyonan ang iyong problema sa iyong anak.
Ang isa sa pinakamahirap na kalagayan ng bata kapag inuubo ay ang pag-uubo na may kasamang plema. Samantalang maraming mga uri ng paggamot na maaaring makatulong para sa ubo at sipon. At ang sabi ng mga dalubhasa ay hindi lubos na nakatutulong ang mga ito at maaaring magdulot ng panganib sa mga bata.
Ngunit ang mahusay na alternatibo sa mga malupit na gamot ay ang mga Natural Remedies. Sumisikat ngayon ang pag-gawa ng honey wrap dahil may magandang hatid ito para maiwaksi ang problema sa pag-uubo ng iyong anak.
Ano nga ba ang benepisyo ng Honey?
Ang honey ay maraming benepisyong hatid sa ating kalusugan. Tulad na lamang ng kakayahang magamot ang ubo dahil naglalaman ito ng mataas na antibacterial properties. Kaya hindi na nakapagtataka na maging isang mahusay itong panggamot sa taong inuubo.
Paano gawin ang Honey Wrap Home Remedy?
1. Ihanda ang mga gagamitin
• Honey
• Harina
• Vegetable oil (virgin coconut oil)
• Gasa
• Medical Tape
• Napkin
2. Maglagay ng dalawang kutsarang harina at tatlong kutsarang honey sa isang lalagyanan. Ihalo ito hanggang magsama ang harina at honey. Kailangan hindi ito maging malagkit na dumidikit-dikit sa iyong mga kamay.
3. Idagdag ang oil at muli ihalo ang napagsamang harina at honey
4. Kapag naihalo na ito ng mabuti, ilagay ito sa napkin at balutan ng gasa.
5. Idikit ang nagawang honey wrap sa likod o sa dibdib gamit ang medical tape.
6. Hayaan ito ng dalawa hanggang tatlong oras. Para sa mas mabisang resulta ilagay ito bago matulog ang iyong anak. Tanggalin ito pagkatapos
Ito ay mainam na gawin sa mga batang may edad na anim na buwan pataas.
Comments
Post a Comment