Ang pagpapanatiling fresh ang tinapay ay maaaring isang mahirap na gawain para sa iba. Dahil kapag hindi naitago ng tama ito ay madaling masira at tubuan ng molds o kilala bilang 'amag.'
Ang molds ay isang fungus na parang mushroom na kadalasang tumutubo sa mga surface ng isang pagkain. Ito ay mayroong napakaraming subterranean roots na tinatawag na 'hyphae' na hindi basta basta makikita ng mata.
Bakit hindi mo dapat kinakain ang malinis na parte ng tinapay na may molds?
Ang molds ay mabilis dumami lalo na kung nagsimula na ang pagtubo nito sa pagkain.
May ibang tao na kapag nakita nila na may bahid na nagsisimula ng tubuan ng molds ang kanilang tinapay, ang ginawa nila ay ihihiwalay lamang nila ang malinis na parte sa parte na may amag. Ngunit ang gawaing ito ay dapat nang ITIGIL!
Dahil kapag nagsimula na ang reproductive part nito, nagrerelease ito ng napakaraming spores na maaaring nacontaminate na ang ibang parte ng tinapay maging ang buong loaf nito.
Sa katunayan, tayo ay nakakain ng molds araw-araw gaya ng molds sa cheese, soy sauce, at maging sa ibang antibiotics. Ngunit ang molds sa tinapay ay isang napakalaking sugal kapag kinain mo ito dahil maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan.
Ang mga molds ay mayroong napakaraming species, ilan sa mga ito ay hindi nakakasama sa kalusugan samantalang mayroon din namang nagdudulot ng negatibong epekto.
Tulad na lang ng cladisporium na nakakapagdulot ng allergies, penicillum crustosum na nagpo-produce ng mga harmful toxins, at rhizophus stolonifer na karaniwang tumutubo sa tinapay na possibleng may permanenteng negatibong epekto.
Ang kulay ng molds na ito ay maaring blue-to-green na may black spots, at sa mga rare cases ang mga klase ng molds na ito ay maaaring magdulot ng imp*ksyon.
Hindi rin basta-basta natatanggal ang mga ito kahit ipainit mo man sa oven. Kaya sa susunod na kakain na kang tinapay na may bahid ng amag, magdalawang isip ka na. Dahil ang gawaing ito ay hindi safe at hindi mabuti sa kalusugan.
Comments
Post a Comment