Ang ating mga Ina ay handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng anak. Gusto ng mga magulang na makitang masaya, malusog at nasa mabuting kalagayan ang kanilang anak. Halos lahat ng Ina ay hinahangad na mapanatag ang kanilang kalooban sa tuwing nalalayo ang kanilang mga anak sakanila.
Napakahirap maging isang magulang dahil gusto mong protektahan at tiyakin na nasa maayos ang lahat para sa iyong anak. Ngunit kung minsan ay hindi mo na namamalayan na ang mga karaniwan mong ginagawa ay hindi na pala safe sa iyong anak.
Ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking pagpapala sa kahit na sino man, may asawa o single parents. Sino ba naman ang hindi matutuwa na sa bawat paggising mo sa araw-araw ay nasisilayan mo ang nakakagiliw na ngiti at nakakakigigil na mga pisngi ng iyong anak.
Kaya ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa pagiging isang magulang sa iyong anghel.
Narito ang mga karaniwang dapat mong pagtuunan ng pansin na madalas mong ginagawa na hindi na pala 'SAFE' para kay Baby:
1. Baby Walkers and Jumperoos
Ang mga batang nasa edad na 6-12 months ay magkakaroon ng biglaang kagustuhang gumalaw-galaw sa lahat ng oras. Kaya ang mga magulang ay karaniwan na binibilhan ang kanilang anak ng baby walkers at jumperoos. Makikita nga naman na nasisiyahan ang kanilang anak dahil nakukuha nito ang kagustuhan na malayang makakilos. Ngunit ang kasiyahan na ito ay panandalian lamang dahil may maaaring kinahinatnan ito. Dahil ayon sa mga mananaliksik, nagpapakita ang walkers at jumperoos na nakapipinsala sa normal na pag-unlad ng bata. Dahil nalalampasan nila ang napakaimportanteng hakbang ng pag-aaral upang matututong gumapang at maglakad sa kanilang sariling pamamaraan. Ang paggapang ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng lakas at koordinasyon ng bata. Kung hindi sila matuto sa kanilang sariling pamamaraan malaki ang posibilidad na mabagal ang proseso ng pagkatutong maglakad.
2. Juice and Bottled Milk
Mahilig mo bang bigyan ng mga fruit juices at itimpla ng gatas ang iyong baby? Kung oo ang sagot mo, marapat lang na huwag mo na itong gagawin ulit dahil nakakasama ito sa kalusugan ng iyong anak. Kaysa sa bigyan mo siya ng mga fruit juices, mas mainam na pakainin mo na lamang siya ng gulay at prutas para mas maraming nutrisyon at bitamina. Alam mo din ba na hindi maganda ang pagbigay ng milk bottle sa bata dahil ito ang unang nakakapagsira sa kanyang mga ngipin dahil sa mga milk formula na maraming sugar? Ang pinakamabisang pampalusog ng bata ay ang gatas mula sa kaniyang ina dahil ito ay maraming benepisyong hatid sa kalusugan.
3. Mga maliliit na laruan
Maraming mga magulang na lahat ng gugustuhing laruan ng kanilang anak ay ibibigay nila. Ngunit alam mo ba na hindi ito mabuti sa iyong anak lalo na ang mga nauusong maliliit na laruan na nakikita nila sa TV. Kadalasan ang mga maliliit na laruan na ito ay hindi mo namamalayan na naisusubo na pala ng bata at maari siyang ma-choke dahil dito.
4. Warm Clothes
May mga panahon na binibihisan natin ang mga anak natin na parang isang prinsesa, prinsepe o ano man ang naisin na gayahin sa kanilang kasuotan. Ngunit kung minsan ang mga magulang ay nahihirapan kung ano ba ang tamang kasuotan para sa kanilang anak dahil sa paiba-ibang panahon. Kaya mas mainam na bumili ng mga damit na komportable sa iyong baby. Huwag laging makakapal ang mga tela na pinasusuot sa iyong anak para matutunan ng kaniyang katawan na malabanan ang lamig at init ng panahon. Sa paraan na ito mapapalakas ang kanyang katawana sa ano mang temperatura at hindi maiiritate ang kanilang balat.
5. Electronic Gadgets
Sa panahon ngayon mas pinabilis na ang teknolohiya. Kaya iilan na lamang ang mga bata na hindi marunong gumamit ng mga makabagong teknolohiya. Maganda ito para sa mas mabilis na komunikasyon. Ngunit nakapipinsala ito sa iyong anak dahil ang pagbabad sa mga electronic gadgets ay maaaring maging sanhi ng obesity, problema sa pag-uugali, kawalan ng interes sa physical activity, paglabo ng mata at mabagal na pag-unlad ng isip.a
Comments
Post a Comment