Minsan may mga nararamdaman tayo na ang akala natin ay mga normal na pakiramdam lamang. Ngunit kung minsan naman may mga kondisyon na walang ibinibigay na sintomas pero nararanasan na pala natin ito.
Kung kailan malala na ito, minsan doon pa lamang lumalabas ang mga halatang sintomas ng mga kondisyon na ito. Kaya huwag ipagsawalang bahala ang ano mang nararamdaman sa pangangatawan at bigyan ng pansin ang iyong kalusugan.
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng kamalayan tungkol sa mga karamdaman na walang ipinapakitang sintomas subalit maaaring malala na. Basahin ang mga sumusunod na makapabibigay ng kaalaman sa iyo para malaman kung paano mapangalagaan ang iyong kalusugan.
1. Altapresyon
Halos lahat ng mga taong na tumataas ang presyon ay hindi nila ito nararamdaman. Ayon sa pag-aaral sa Canada, maaari mong hindi pansinin ito sa mahabang panahon. Maaaring mauwi ito sa sak!t sa puso kung saan posibleng magdulot ng heart attack, stroke at sak!t sa bato. Ang uri ng sak!t na ito ay tahimik na sisirain ang iyong blood vessels.
Nararapat na gawin:
• Ipasuri ang iyong blood pressure
• Kung tukoy na mataas ang iyong blood pressure ay kinakailangan na iwasan ang mga bagay, pagkain na ikasasama ng kalagayan
• Magbawas ng timbang kung kinakailangan
• Mmagehersisyo araw-araw
• Inumin ang gamot na nirekomenda ng iyong doktor
2. Sleep apnea
Ang kondisyon na ito ay hindi lamang sa mga may malalaking timbang. Karamihan sa mga nagtataglay nito ay ang mga kalalakihan. Ngunit ayon sa pag-aaral halos kalahati ng mga kababaihan na nasa edad na twenty hanggang 70 ay dumaranas ng sleep apnea. Ang kondisyong ito ay mararanasan ang paghinto ng paghiga kapag natutulog. At magdudulot ito ng panganib sa pagkakaroon ng kondisyon sa puso at type 2 diabetes. May posibilidad na maranasan ang pags^kit ng ulo tuwing umaga, pagkapagod, at insomnia.
Kailangang gawin:
• Kumonsulta sa dalubhasa kung nararanasan ang mga nabanggit sa itaas
• Sundin ang mga sasabihin sa iyo ng doctor
• Kumain ng mga pagkain na makabubuti sa iyong kalagayan
• Magbigay ng pagpapahalaga sa iyong kalusugan
3. Glaucoma o Cataract sa mata
Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng glaucoma at cataract ay walang nararamdamang sintomas sa pag-umpisa ng kondisyon. Kung mapapabayaan ito ay maaaring humantong sa tuluyang pagkabulag. Nalulunasan ang glaucoma sa pamamagitan ng eye drops, laser surgery o microsurg3ry. Sa katarata naman ay inooperahan at pinapalitan ng artificial na katarata. Ngunit tinuturukan pa rin ang pasyente ng local anesthesia para hindi maramdaman at mamanhid ang mata.
Pag-aalaga:
• Huwag balewalain ang mga nararamdaman sa pangangatawan
• Ingatan ang mga mata. Huwag ibabad sa mga radiation tulad ng mga electronics gadgets. • Magpacheck-up ng mga mata para malaman kung nanatili pang malusog ito
4. Diabetes
Karaniwan ang diabetes sa buong mundo. Matanda o bata man ay maaaring magkaroon nito. Walang mararamdaman na sintomas kung mayroon ka nito. Minsan may mga senyales na maaaring tinataglay mo na ito tulad ng tuyo ng bibig, laging uhaw, madaling mapagod at mga sugat na hindi agad gumagaling. Ngunit ang katiyakan na may diabetes ang isang tao ay ang magpasuri ng iyong blood sugar lebel. Maaaring namamana ang kondisyon na ito.
Pagaalaga sa sarili:
• Iwasang kumain ng mga matatamis na pagkain
• Magehersisyo araw-araw
• Magpasuri para malaman ang kalagayan ng iyong kalusugan
5. Polycyst!c ovary syndrome
Sampung porsyento ng kababaihan ang dumaranas nito. Ang mga babaeng tatamaan nito ay mahihirapan na magbuntis. Ito ay kondisyon kung saaan ang katawan ay sobra sa pagproduce ng hormone ng lalaki, irregular na pagreregla at posibleng tumaas ang posibilidad na panganib sa s^kit ng puso at diabetes. Madalas itong hindi mapapansin lalo na sa mga taong umiinom ng pills sa edad na dalawampu hanggang tatlumpu para hindi magbuntis.
Para sa kapakanan:
• Una, Huwag baliwalain kapag dumaranas ng irregular na pagreregla
• Pangalawa, Komunsulta agad sa doctor
• Pangatlo, Kumain ng mga masustansiyang pagkain at magehersisyo araw-araw
6. Lung C****r
Ang sakit na ito ay maaaring humantong sa kam*t*yan kung hindi bibigyan ng aksiyon at pababayaan. At ayon sa mga pag-aaral sa kalahating poryento ng kababaihan na dumaranas nito ay hindi naninigar!ly0 kaya nakakatakot dahil walang bakas na magkaroon nito at malaman na nasa panganib na ang kalusugan.
Para sa kalusugan:
• Una, Kung ikaw ay isang taong mahilig manigarilyo ay mainam na pagpaexamin ng iyong likod
• Pangalawa, Lumayo o takpan ang iyong ilong kung may malapit na taong nan!nigarily0
• Pangatlo, Huwag ipagsawalang bahala kapag inuubo. Magpakonsulta agad sa doctor
Comments
Post a Comment