Skip to main content

Ito ang mga Pitong Pag-uugali na Dapat Iwasan sa Tuwing Nag-aaway Kayo ng Iyong Partner!




Sa isang relasyon hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan. Madalas na nagaaway sa mga maliliit na bagay lamang at kadalasan na hindi nagkakaintindihan. May mga salita at action ang hindi sinasadyang nasasabi ng bawat isa kaya kung minsan mas lumalala ang sitwasyon.

Kaya ang artikulong ito ay magbibigay ng kaalaman sa iyo kung bakit kinakailangan na iwasan ang mga maling pag-uugaling nagagawa kapag nag-aaway, may problema, o kaya may hindi pagkakaintindihan kayong mag-asawa.

Sa panahon ng isang pag-aaway, madali lamang na masaktan ang isang tao sa pamamagitan ng salita o action. Ang sama ng loob, kapag tumagal at lumala ay siyang magiging sanhi ng pagkakasira ng relasyon.

Ang mga sumusunod na mababasa sa ibaba ay mapapagtanto mo na, ito ang tama at mali, at kung ano dapat at hindi dapat na gawin kapag nasa isang pag-aaway.

1. Huwag idamay ang ibang pamilya o tao sa inyong away

Tuwing may hindi pagkakaunawaan kayong mag-asawa ay kinakailangan na kayong dalawa lamang ang dapat na mag-usap at wala nang iba pa. Dahil kapag idinawit ang mga magulang o sino mang miyembro ng pamilya ay maaaring maging sanhi pa ng paglala ng sitwasyon na siyang makasisira sa pamilya.

2. Huwag sas^ktan ang inyong partner

Minsan habang nag-aaway ang magkarelasyon ay napapakita ang hindi magandang pagkatao. Minsan sa kadahilanang gusto nilang ipakita na sila ang tama ay nauuwi ito sa panan^kit. Ngunit hindi ito tamang gawain at huwag hayaan na gawin mo ito o mangyari. Dahil ang pisikal na panan^kit sa iyong asawa ay siyang pap^tay at sisira sa relasyon na inyong binuo. Kaya dapat kahit gaano pa katindi ang iyong galit ay kinakailangan na kontrolin ang sarili at idaan sa mainahon na usapan.


3. Huwag idamay ang nakaraang mga away sa bago ninyong pinagaawayan

Kung ang sanhi ng pag-aaway ay ang hindi niya pagsunod sa iyong gusto o may maling nagawa ay dapat na yun lamang ang inyong pag-uusapan ng maayos. Huwag idawit ang mga nakaraan na maling nagawa niya. Dahil ang pag-uungkat ng panibagong usapin ay siyang mas ikakalala ng sitwasyon na mauuwi lamang sa mas lalong hindi magkakaintindihan.

4. Huwag pag-uusapan ang pakikipaghiwalay



Sa tuwing may hindi kayo pagkakaintindihan ay huwag dapat na lumabas sa iyong bibig ang salitang ‘hiwalayan’. Ang salitang ito ay napakalaking insulto sa inyong relasyon at napakas^kit na marinig ito mula sa iyong minamahal. At sa dalas na marinig ito sa iyong partner o asawa sa tuwing nag-aaway kayo ay siyang bilis ng pagkakasira ng inyong relasyon at tuluyang pag-hihiwalay.

5. Huwag mag-walk out o umalis ng bahay sa tuwing nag aaway

Sa simpleng pag-alis sa inyong bahay kapag nasa sitwasyon ng pag-aaway ay nagpapakita ng hindi ka komportableng makasama sa iisang bahay ang iyong partner,. Pagtatakas sa sitwasyon na kailangan na pag-usapan ay maaaring mas ikakalala pa ito ng sitwasyon. Kailangan na hintaying kumalma ang isa’t isa at pag-usapan ng mabuti ang problema.




6. Huwag matulog ng magkahiwalay

Huwag hahayaang matulog ng magkahiwalay kapag may pinag-aawayan o hindi pagkakaintindihan. Ang pag-uugaling ito ay nakasisira ng relasyon at mas ipinalala ang sitwasyon. Kailangan din na bago matulog ay maayos ninyo ang ano mang hindi pagkakaunawaan. Ang pagtulog ng magkasama pagkatapos ng isang away ay nagpapakita ng kahit ano pa mang dumaang problema ay mauuwi pa rin sa pag-sasama ninyong dalawa at gigising ng yakap ang isa’t isa.

7. Huwag mag-aaway sa publiko

Ang pag-aaway sa harap ng maraming tao at sa publiko ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa isa’t isa. Hindi ito magandang pag-uugali ng magkarelasyon. Mas magandang gawin ay pag-usapan ang problema kapag nasa bahay at kayong dalawa lamang.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-